PINIPILIT KONG PAALISIN si Caiden habang nasa labas pa si Mattias ng kwarto ko. Tinulak ko siya papuntang bintana saka ako tumingin sa ibaba kung may mga bantay ba sa paligid.
Nang makita kong wala ay agad kong tinignan si Caiden na naka titig parin sakin hanggang ngayon.
"Umalis kana, Caiden." seryoso kong sabi sakanya.
"Kung aalis man ako, kailangan ay kasama ka, langga." saad niya. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko ng marinig ko ulit ang tawagan naming dalawa.
Umiling ako sakanya saka inabot ang mukha niya para haplusin 'to. "Hindi ako pwedeng sumama sa'yo, Caiden. Please.. ayaw kong mapahamak ka sa kamay ni Mattias. Magkita nalang tayong muli. Pangako, sasabihin ko sa'yo ang lahat." paki-usap ko sakanya. Alam kong mabubuksan ni Mattias ang pinto ko dahil may duplicate 'to sa kwarto ko.
"Hindi kita pwedeng iwan dito, Kira." seryoso niyang sabi saka hinawakan ang kamay ko. "Sumama kana sakin," dagdag niyang sabi kaya agad akong umiling.
"Umalis kana. Mas lalo lang akong hindi makakalabas ng babay kung hindi ko pag bubuksan si Mattias ng pinto," saad ko saka tinulak ulit siya.
Nakikita ko sa mukha niya ang pag aalinlangan ngunit umakyat parin siya sa bintana. Tumingin muna siya sakin saka mabilis na nawala sa harapan ko. Agad akong lumapit sa bintana saka sumilip sa ibaba. Naka hinga ako ng maluwag ng makita kong nakatayo si Caiden habang naka tingin sakin.
Isinara ko ang bintana agad saka ginulo ang kumot, nang matapos ako ay agad akong naglakad papunta sa pinto saka binuksan 'to.
"Bakit ang tagal mong buksan ha!!?" sigaw sakin ni Mattias saka malakas na hinawakan ang siko ko. Agad akong napa-ngiwi dahil sa sobrang higpit ng pagkaka hawak niya sakin.
"N-natutulog kasi ako.. pasensya na," nauutal kong sabi habang tinatanggal ang kamay ni Mattias na mahigpit na naka hawak sa braso ko.
Napasalampak ako ng upo sa sahig dahil malakas akong itinulak ni Mattias saka 'to pumasok sa kwarto at nagsimulang maglibot sa kwarto ko.
Masama niya akong tinignan kaya napa yuko ako sa takot. "Wag na wag mo lang akong lolokohin, Ashley kundi babalatan talaga kita ng buhay," saad niya saka naglakad papunta sakin. Umuklo siya saka piniga ang pisngi ko. "Wala ka naman sigurong tinatagong lalaki dito sa kwarto mo?" tanong niya sakin kaya agad akong umiling habang naka titig sa mga mata niya.
"W-wala.. wala Mattias," nauutal kong sagot.
"Good. I'm hungry. Lutuan mo ko ng masarap na pagkain," naka ngiti niyang sabi saka niya binitawan ang pagkaka hawak sa pisng ko. Dinampian niya ng halik ang pisngi ko saka niya ako hinalikan sa labi.
Pinutol ko agad ang halik na iginawad niya sakin saka ako tumayo. "Sige, mag luluto na ako ng pagkain mo," saad ko at agad lumabas ng kwarto.
Habang naglalakad ako papuntang kusina ay inaalala ko ang mga sinabi ko kay Caiden. Alam na niya ang tunay na pagkatao ko. Alam kung babawiin ako ni Caiden mula kay Mattias. Pero, natatakot ako dahil maraming tauhan si Mattias at baka mapano pa si Caiden. Kahit isa siyang sundalo pero kung mag-isa lang naman siya ay matatalo parin siya.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa katangahan ko. Bakit kasi hindi ko namalayan na nandoon pala sa bag ko ang scarf na may naka burdang pangalan ni Caiden. Kasalanan ko 'to dahil hindi ako nag-iingat.
UMUWI AKO SA subdivision kung saan ako nakatira at agad dumeritso sa bahay ni Ruwi. Kay Atticus sana ako dederitso ngunit naalala ko na may problema 'tong kinakaharap kaya ayaw ko ng dagdagan pa.
Nang maka pasok ako sa bahay nila Ruwi ay na bungaran ko ang naka busangot na mukha ni boss Lucian habang naka tingin sakin. "You again. What are you doing here?" seryoso niyang tanong sakin.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.