SPG~
KANINA PA KAMI NAG-IIKOT ni Caiden sa mga bahay na malapit sa tulay kong saan iniwan ang anak namin six years ago.
Kasama namin ang apat na pinadala ni Ruwi pero hindi kami magkakasama, naghiwalay-hiwalay kasi kami para mas mapabilis ang paghahanap.
Hiningi ni Caiden ang picture ng lalaking pumulot sa anak namin kay Atticus. Screenshot lang 'yun mula sa cctv footage, medyo malabo ang kuha pero okay narin 'to para kahit papano ay may maipakita kaming larawan kapag nagtanong kami sa mga bahay.
"Pagod ka na ba, langga?" Tanong sa' kin ng asawa ko. Pinunasan pa niya ang pawis ko sa aking nuo saka niya inabot sa' kin ang isang bottled water.
"Hindi pa naman," sagot ko saka binuksan ang bottled water.
Naka ilang bahay na kami pero hindi nila kilala ang lalaking pinapakita namin.
"Tignan mo 'to si Lord.." saad ni Caiden habang ang mga mata niya ay may tinitignan. Tinignan ko din 'yun at nakita ko si Lord na nanghihingi ng biscuit sa isang bata.
Napangiwi nalang ako saka ako lumingon sa asawa ko na nalukot ang mukha habang nakatitig parin kay Lord. "Pati pagkain ng bata hindi pa pinalampas," bulong ni Caiden sa tabi ko.
Mahina nalang ako natawa dahil sa pagka adik ni Lord sa marie biscuit.
Naglakad kami papunta kay Lord na naka upo pa talaga sa lupa at walang pakialam kung madumi ba ang inuupuan niya habang kaharap niya ang isang bata na kumakain din ng marie.
Mabilis na binatukan ni Caiden sa ulo si Lord ng makalapit kami sakanya. "Sira ulo ka! Ang sabi ko tulongan mo kaming maghanap, hindi ko sinabing makipag bonding kang kumain ng marie sa bata," inis na sabi ni Caiden kay Lord.
Tumayo naman si Lord habang kagat parin ang biscuit. "Masakit 'yun ahh," reklamo niya kay Caiden habang nagkakamot sa ulo niyang binatukan ng asawa ko.
"May nakuha ka bang impormasyon?" Tanong ni Caiden kay Lord.
"Hindi daw nila kilala ang lalaking 'to." Sagot ni Lord saka tinuro ang hawak naming larawan ng lalaki.
"Hindi kaya.. sa ibang baranggay nakatira 'to?" Tanong ko kay Caiden.
"Pupuntahan din natin ang ibang baranggay, langga. Kung kinakailangan ay halughugin natin ang Pilipinas, gagawin natin mahanap lang natin ang anak natin," sagot sa' kin ni Caiden saka niya hinalikan ang ulo ko.
"Ayy.. ang sakit niyo sa mata. Hihingi-hingi kayo ng tulong tapos makikita ko ang ka sweetan n'yo. Mahiya naman kayo sa' kin!" Biglang sulpot ng lalaking nakilala ko lang kanina na si Doc. Percival. Nainis pa sa' kin si Caiden kanina dahil titig na titig ako sa doctor nang makita ko siya. Ang ganda din kasi ng mga mata niya, halatang may lahi dahil sa hitsura niya. Guwapo din 'to, matangkad, at halos magkasing katawan lang sila ni Caiden, kaya pareho silang malapad ang katawan at alam kong may tinatago ding abs ang lalaki, sa braso palang niya halata na. Bad boy look din si Doc. Percival dahil sa tatlong hikaw niya sa bridge ng ilong niya. Kaya hindi ako makapaniwala na isa siyang doctor kanina nang ipakilala 'to ni Lorcan samin ni Caiden.
Pinakita lang ni Caiden ang gitnang daliri niya sa doctor kaya natawa 'to. Dumating din si Lorcan kasama si Magnus na may hawak din na larawan ng lalaki.
"Waley!" Saad ni Magnus habang maarteng kinakampay ang isa niyang kamay samin.
Sabay kaming napabuntong hininga ni Caiden. Alam kong hindi magiging madali ang paghahanap sa anak namin. Tanging pinagdarasal ko lang ay sana nasa maayos siyang lugar kong nasaan man siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.