Chapter 25

17.9K 462 65
                                    

HINATID NAMIN SILA Kenjie at Maki sa seaside dahil gusto nilang pumunta do'n. Nalulungkot ako habang nagpapaalam sila samin. Wala naman kaming magawa ni Caiden dahil 'yun ang gusto ng dalawang bata.

Tahimik lang akong nakaupo sa passenger seat habang nakatingin sa bintana at iniisip parin si Kenjie at Maki. Ayaw ko talaga silang umalis sa bahay, kung pwede lang talaga sana pero ayaw naman nila.

Naramdaman kong hinawakan ni Caiden ang isa kong kamay kaya napalingon ako sa gawi niya. Malungkot akong nakatitig sakanya habang siya ay palipat-lipat ng tingin sa' kin at sa daan.

"Alam kong malungkot ka, langga." Pambabasag niya sa katahimikan.

Hindi ako sumagot at yumuko nalang dahil feeling ko ay naiiyak ako. Hindi ko alam pero ayaw ko talaga silang umalis sa bahay, nalulungkot ako.

"Gusto ko kasi silang alagaan dalawa, langga ko. Gusto ko.. sa bahay nalang sila tumira." Malungkot kong sabi.

Narinig ko namang bumuntong hininga si Caiden bago 'to nagsalita. "Ako din naman. Pero, 'yun ang gusto nila langga. Hanggang ngayon ay umaasa parin sila na babalikan sila ng mga magulang nila kaya hindi natin sila pwedeng pilitin." Saad niya.

Mas lalo tuloy akong nalungkot.

"Wag ka ng malungkot. Hayaan mo.. pupuntahan natin sila araw-araw para masiguro natin na nasa maayos sila." Dagdag na sabi ni Caiden.

Nagpalawala ako ng marahas na hininga saka ko isinandal ang likod ko sa likod ng upuan. "Sa tingin mo, may alam kaya ang babaeng sinasabi ng kaibigan mo, langga?" Tanong ko kay Caiden. Papunta kasi kami ngayon sa restaurant kung saan kami magkikita ng babaeng nagpakilala na kapatid niya daw ang lalaking hinahanap namin.

"I hope so. Malalaman natin yan, langga." Naka ngiting sabi ng asawa ko saka niya ginulo ang buhok ko.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong niya sa' kin.

Kumunot naman ang nuo ko sa tanong niya. "Hindi pa naman. Kumain kaya tayo bago umalis." Sagot ko.

Mahinang tumawa si Caiden saka hinawakan ang tyan ko kaya napadako ang tingin ko sa tyan ko. "Baka kasi nagugutom na ang anak ko," naka ngiti niyang sabi habang ang mga mata niya ay nakatuon parin sa daan.

Nanlaki ang mata ko at napaayos ng upo sa upuan. Lumingon naman sa' kin si Caiden na may ngiti sa labi. Titig na titig ako sa mukha niya kaya kinindatan ako ng asawa ko. "Ano, langga.. pinaglilihian mo na ba ako?" Tanong niya sa' kin.

Hindi naman ako sumagot sa tanong niya, nakatitig lang ako habang may inaalala.

Mahinang tumawa ulit si Caiden habang ang kamay niya ay nasa tyan ko parin. "Ayos lang na ako ang paglihian mo langga. Wag kang gumaya do'n sa kaibigan kong si Ruwi na sa unggoy naglihi." Natatawa pa niyang sabi.

Napasapo ako sa bibig ko ng mapagtanto ko ang mga kakaibang kinakain ko. Kahit ako kasi ay nagtataka.

"Buntis nga yata ako," naka ngiwi kong sabi dahil hindi pa din naman ako sure. Hindi ko maalala kung dinatnan ba ako last month dahil sa nangyari sa' kin.

"Yes! May baby number two na ako. Kailangan na talaga natin mahanap ang baby number one natin." Saad ni Caiden habang hinahaplos parin ang tyan ko habang ang isang kamay niya ay nasa manibela.

"Hindi pa naman tayo sigurado na buntis ako," saad ko saka hinawakan ang kamay niya na nasa tyan ko.

Napansin kong malapit na kami sa restaurant kaya bigla akong kinabahan. Umaasa talaga ako na sana may makuha kaming impormasyon sa lalaking 'yun at para makita na namin ang nawawalang anak namin ni Caiden. Gustong-gusto ko ng mayakap ang anak ko.

Assassin Series 8: Caiden Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon