KINASAL KAMI ULIT NI Kira ngayong araw. Nalaman kong hindi legal ang ginawa ni Mattias at pinalitan niya ang pangalan ng asawa ko n'ong kinasal nila.
Kaya napagdesisyonan kong magpakasal kami ulit. Beach wedding ang gusto ng asawa ko dahil 'yun daw ang dream wedding niya. Kasama namin ang dalawang anak namin na si Kenjie at Maki. Yes, adopted son namin si Maki at naka apelyedo na din siya sa 'kin. Sobrang saya namin ni Kira ng pumayag si Maki, maging ang anak naming si Kenjie ay tuwang-tuwa na magkasama parin silang dalawa ng bestfriend niya slash kapatid niya.
Malaki narin ang tyan ng asawa ko at lagi 'tong nahihilo. Nalaman namin n'ong pumunta kami ulit sa obgyne niya na babae ang anak namin. Sobrang tuwang-tuwa ako dahil may prinsesa na ako. Lagot talaga sa 'kin ang magtatangkang lapitan ang anak ko.
Natapos ang kasal namin at nandito kami sa isang malaking beach resort na pagmamay-ari ni Isaac. Nag presenta kasi 'to na sa resort niya ganapin ang reception namin.
Hindi ako tumulad kay Salem na makapal ang mukha na halos wala man lang na gastos sa kasal niya dahil samin pinabayad.
Nandito ako ngayon sa harap ng table habang pinagmamasdan ang mga regalo ng kaibigan ko. May kutob talaga ako na puro kalokohan na naman ang mga gagong 'to.
Iniwan ko muna ang asawa ko sa dalawa kong anak kasama ang ibang bisita. Tinawag ko ang mga kaibigan ko para mabilis kong ibato sakanila kapag nakita ko ang mga regalo ng mga animal 'to.
"Wala kang tiwala samin," saad ni Salem na naka simangot pa.
"Mukha mo palang kahina hinala na." Pambabara ni Lord kay Salem na nandito din kasama si Lorcan, Sweetheart, Magnus at si Percival na mukang tangang naka ngiti habang may ka chat yata sa cellphone niya.
"Tumigil ka na nga kakangiti dyan! Mukha kang tanga!" Inis na sabi ni Lorcan kay Percival na binatukan pa talaga sa ulo.
"Sess, sa simula lang yan Lozano. Pinapakilig ka lang niyan." Sabat ni Eros habang nilalantakan ang dalang lumpiang shanghai.
"Sana all may nag papakilig. Ako kasi.. marie at ihi ko lang ang nagpapakilig sa 'kin." Saad ni Lord na kumakain na naman ng marie.
"May ibang pagkain dyan, Lord. Pwede bang tigilan mo muna 'yang marieng yan." Nakasimangot kong sabi sakanya pero ang gago ngumisi lang sa 'kin.
"Excited ako makita ang reaction mo sa regalo namin. Sigurado akong matutuwa ka niyan. Syempre, pinag-isipan namin yan eh," naka ngising sabi ni Lucifier.
Napabuga ako ng hangin dahil malakas talaga kutob ko na magwawala ako ngayon. Humanda talaga sila sa 'kin.
"Ay, wag mo muna palang buksan. May pa cake kami sa'yo eh," pigil sa 'kin ni Raizen dahil pumulot ako ng isang gift. Nagtaka pa ako dahil ang bigat n'ong regalong 'yun. Siguro mamahalin 'yun dahil ang bigat. Pinagdarasal ko talaga kagabi pa, na sana sapian 'tong mga kaibigan ko ng kabutihan at hindi ako pagtripan.
Pumasok si Isaac na may dalang cake. Napangiti ako dahil love na love talaga ako ng mga kaibigan ko. May pa cake pa sila para sa 'kin, iba din ang cake namin sa kasal. Nagulat pa ako sa cake na sponsor ni Ruwi na halos umabot 'to sa bubong sa sobrang taas. Muntik ko siyang binatukan dahil pinahirapan niya ang mga gumawa no'n. Ngunit nalaman ko na ang anak ko palang si Kenjie ang nag request no'n kaya sarili ko nalang ang binatukan ko, masama kasing nakatingin sa 'kin si boss Lucian.
Lumapit si Isaac sa 'kin at inilapag ang dalang cake sa table. Nagsitayuan naman ang mga kaibigan ko saka pinalibutan ako.
"Happy birthday to you." Kanta ni Magnus kaya masama ko siyang tinignan kaya natahimik 'to agad.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.