NAPAGDESISYONAN NAMIN NI Caiden na puntahan ang batang sinasabi ni Amanda.
Excited ako na may halong kaba habang nakaupo ako sa passenger seat. Si Caiden naman ay tahimik na nagmamaneho. Nasa backseat naman si Amanda habang tinatawagan ang nanay niya.
Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na makikita ko narin sawakas ang anak ko. Lagi ko 'tong pinagdarasal na sana matagpuan na ang anak namin at makasama na namin siya, at 'to na nga, ilang oras nalang ay makakasama ko na ang anak ko.
"Ma'am Kira, nakausap ko na po ang nanay ko. Ang sabi po niya ay nasa school po ngayon si Brick at susunduin muna po daw niya." Sabi sa' kin ni Amanda.
"Thank you, Amanda. Sobrang laki ng utang na loob namin sa pamilya niyo. Kung nandito lang sana ang kuya mo para sana makapag pasalamat man lang ako sakanya." Saad ko habang nakalingon ako sa gawi niya.
"Ayos lang po 'yun, Ma'am Kira. Kung nasaan man po ang kuya ko, sigurado akong masaya siya na makikita narin ni Brick ang totoong mga magulang niya." Naka ngiting sabi ni Amanda sa' kin.
"Salamat din sa nanay mo, dahil sa pag-aalaga niya sa anak namin." Naka ngiti kong sabi.
Tumingin ako kay Caiden saka ko hinaplos ang balikat niya kaya lumingon siya sa' kin. "Kinakabahan ako." Naka nguso kong sabi sa asawa ko.
"Kinakabahan din ako, langga. Pero masaya ako na makikita narin natin ang unang baby natin." Sagot niya habang palipat-lipat ng tingin sa' kin at sa daan. Ngumiti lang ako sa asawa ko kaya agad niyang hinaplos ang tyan ko gamit ang isa niyang kamay.
Sinabi ni Amanda na malapit na kami sa barangay nila kaya mas lalo akong kinabahan. Hanggang sa tinuro ni Amanda kung saan ang bahay nila.
Inihinto ni Caiden ang kotse sa gilid ng kalsada kaya tumingin ako sa labas ng bintana.
"Ito na po ang bahay namin, Ma'am, Sir. Pasensya na po kung maliit lang po bahay namin." Nahihiyang sabi ni Amanda.
"Ayos lang 'yun, ang ganda nga ng bahay niyo ang dami pang orchids." Naka ngiti kong sagot. Maliit ang bahay nila at napapaligiran 'to ng mga iba't-ibang orchids at mga tanim. Plano ko tuloy manghingi at ipapatanim ko kay Caiden sa harap ng gate namin.
"Mahilig po kasi si nanay sa mga bulaklak kaya ang dami po niyang mga tanim." Sagot ni Amanda kaya napangiti ako.
Binuksan naman ni Caiden ang pintuan ng driver seat saka siya bumaba ng sasakyan. Bumaba na din si Amanda sa kotse saka niya isinara ang pinto. Si Caiden naman ay pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse at inalalayan akong bumaba.
"Nagugutom ka na ba, langga?" Tanong sa' kin ni Caiden.
"Hindi pa naman, langga ko." Sagot ko sabay haplos sa tyan ko.
"Sabihan mo ko pag nagutom ka ha!" Malambing niyang sabi sabay haplos sa tyan ko. "Hindi kayo pwedeng magutom dalawa ng anak natin," dagdag niyang sabi saka siya umuklo at pinatakan ng halik ang tyan ko.
Napangiti ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang kamay ko saka kami sumunod kay Amanda na nakapasok na sa bakuran ng bahay nila.
Inilibot ko ang aking paningin sa bakuran nila at may napansin na may maliit na basket para sa basketball. "Si Brick ba ang naglalaro ng basketball?" Hindi ko mapigilang hindi itanong kay Amanda para alam ko kung anong mga gusto ng anak ko.
"Opo, Ma'am Kira. Ako po bumili n'yan kasi gustong-gusto niya pong maglaro ng basketball." Nakangiting sagot ni Amanda.
Binitawan naman ni Caiden ang kamay ko at agad na lumapit sa basketball ring na hanggang dibdib lang ni Caiden. Hinawakan lang niya 'to saka lumingon sa' kin. "Kailangan ko palang magpalagay nito, langga ko." Saad ng asawa ko kaya napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.