Chapter 18

18.6K 495 110
                                    

ANG LAKAS NG TIBOK ng puso ko habang nagdarasal na sana makaligtas kami sa daming kalaban na naka palibot samin.

Hindi parin umaalis sila sa pwesto nila, pinapalibutan parin nila ako na para akong pinoprotektahan.

Nagulat ako ng matamaan si Lorcan sa braso ngunit hindi man lang 'to nasaktan. Habang si Lord ay nasa likod ko din habang nakikipag laban.

Ngayon ko lang nalaman na ang dami pala talagang tauhan si Mattias. Hindi pala talaga siya basta-basta lang na tao. Dahil siguro sa maipluwensya siyang tao at isa siyang drug lord.

Napasigaw ako ng bumukas ang pintuan at pumasok pa ang iba pang mga tauhan ni Mattias. Katapusan na yata namin.

Ngunit, may narinig kaming kalabog sa likod namin kaya napalingon ako don dahil baka may sumulpot na kalaban.

Bumukas ang pintuan na nasa likuran namin kaya tumigil si Lord sa pag atake sa mga kalaban. Pati ang mga tauhan ni Mattias ay tumigil din habang nasa harap ko si Ruwi ay nakikipag laban parin maging si Lorcan.

Tatlong lalaki ang pumasok at may hawak silang malalaking baril habang sa likod nila ay may mga lalaking naka suot ng all black na parang sa mga ninja pero may white sa mga braso nila.

"Skypste"

Sigaw ng lalaki na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Nagulat nalang ako ng mabilis akong hinawakan ni Ruwi para yumuko.

"Ayyyy.." tili ko ng marinig ko ang putok ng baril.

Nakayuko din sila Lord at Lorcan sa likod ko habang ang tatlong lalaki ay pipaulanan ng bala ang mga tauhan ni Mattias. Ang ibang lalaking nasa likod nila ay umaatake sa mga tauhan ni Mattias.

Tumigil ang putok ng mga baril kaya nag-angat ako ng tingin para makita kong anong nangyari. Tumayo si Ruwi saka niya ako inalalayan para makatayo. Naririnig ko pa sa paligid ang mga sigaw ng mga tauhan ni Mattias na tinatadtad ng samurai ng mga kasama ng tatlong lalaki na may dalang malalaking baril.

Lumapit ang isang matangakad na lalaki samin, familiar ang mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Ang ganda ng kulay amber niyang mga mata lalo na kapag nasa malapitan 'to. Pero wala paring tatalo sa green eyes ng asawa kong si Caiden.

Lumapit ang lalaki kay Ruwi at agad hinalikan 'to sa labi. Napa-iwas nalang ako ng tingin ng makita ko yun.

"Gusto mo naba talaga akong mabaliw, Mrs. Vandeleur?" rinig kong sabi ng lalaki kay Ruwi.

"Sorry na, hubby." sagot naman ni Ruwi habang niyayakap ang lalaki. Ito palang lalaking 'to ang asawa ni Ruwi.

Lumapit sakin ang isa pang lalaki na may hawak na malaking baril at agad hinawakan ang kamay ko at sinusuri ang nasunog kong braso dahil sa asido na sinaboy ni Mattias sakin.

"Damn! Kailangan nating magamot 'to." saad ng matangkad na lalaki. Nakatitig lang ako sa mukha niya dahil hindi rin papahuli ang hitsura ng lalaking 'to. Napansin yata niya na titig na titig ako kaya inangat niya ang isang kamay niya na may suot na wedding ring.

"Stop starring at me, woman. Alam kung gwapo ako at hindi kita masisisi kung tititigan mo ang gwapo kong mukha. Pambihira talaga! Ang hirap maging gwapo." saad niya kaya napa-ngiwi ako sa ka hanginan niya.

"Tumigil ka nga! Wala na mang ka-aya-aya tignan sa pag mumukha mo!" banat ni Lord sa lalaking nasa harap ko.

"Manahimik ka dyan, Lord. Barilin kita eh," sagot ng lalaki.

"Tumigil nga kayong dalawa," saway ni Lorcan kay Lord at sa isang lalaki.

"Yang kakambal mo ang sawayin mo, kulang sa bakuna eh," saad ng lalaki kay Lorcan na tinuro pa talaga si Lord.

Assassin Series 8: Caiden Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon