Chapter 20

19.4K 496 83
                                    

BUMANGON AKO SA KAMA ng dahan dahan para hindi magising ang asawa kong si Kira. Maaga kasi akong nagising dahil may usapan kami ni Atticus kagabi.

Inayos ko muna ang kumot na naka patong sa katawan ng asawa ko saka ako pumunta ng banyo.

Pagkalabas ko ng banyo ay saktong umilaw ang cellphone ko na nasa bed side table. Naglakad ako papunta don saka ko pinukot ang phone ko para tignan 'to. Nag message sa' kin si Atticus na nasa sala na daw siya ng bahay ko kaya agad akong lumabas ng kwarto ng walang ingay.

I went down the stairs and immediately saw Atticus sitting on the single couch with a laptop in his hand.

"Ang aga mo naman yata," bungad ko sakanya habang pababa ako ng hagdan. Nag-angat naman siya ng tingin sa' kin at agad nalukot ang mukha niya.

"Hindi pa ako natutulog, pre." Sagot niya saka binuksan ang laptop niya.

Naglakad ako palapit sakanya saka ko tinapik ang balikat niya at umupo sa katapat niyang upuan.

"Bakit hindi ka pa natutulog? Nga pala.. kamusta na ang asawa mo?" tanong ko sakanya. Binalita kasi niya samin na gising na ang asawa niya at inuwi na niya sa bahay niya.

"Ayon.. pinatulog ako sa labas ng bahay," sagot niya sa' kin kaya mahina akong natawa.

"Ayos yun! Si Atticus Romero sibak agad sa bahay," natatawa kong sabi kaya napa-iling nalang siya.

Humingi kasi ako ng tulong kay Atticus para hanapin ang nawawalang anak namin ni Kira. Sinabi daw ni Mattias kay Kira n'ong bihag siya nito na pinatay na daw niya ang anak namin ni Kira. Habang kwene-kwento 'yun ng asawa ko kagabi ay walang tigil ang iyak niya dahil pakiramdam niya ay hindi daw niya na protektahan ang anak namin.

Ngunit ayaw kong mawalan ng pag-asa. Gusto kong makita ang araw na nanganak si Kira at ang pagkuha ni Mattias sa anak namin.

Ang alam lang ng asawa ko ay nasa six years old na ang anak namin kung buhay pa 'to ngayon. Hindi daw niya 'to nahawakan at tanging palatandaan lang niya ay ang magkaprehong kulay ng mata namin ng anak ko.

Umaas akong buhay ang anak namin, kaya hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang kuha sa cctv na pinatay ni Mattias ang anak ko.

Umayos ng upo si Atticus saka inilapag ang laptop niya sa wooden table na nasa pagitan naming dalawa. Mabilis na nag tipa ang mga daliri ni Atticus sa laptop niya kaya tumayo ako sa upuan ko saka ako lumipat ng upo sa sahig katabi sa couch na inuupuan ni Atticus para makita ko ang ginagawa niya.

"Nag paalam ka ba naman sa asawa mo? Baka pag-uwi mo mamaya ay mapalo ka sa pwet," biglang saad ko na ikinatawa niya.

"Nag paalam ako sakanya kahapon. Sabi nga niya dalhin ko na daw mga damit ko," sagot sa' kin ni Atticus.

"Bakit ka pinapalayas ng asawa mo? Kabago-bago niyo lang kinasal napalayas kana agad sa bahay niyo," naka ngiwi kong sabi habang nakatingin sakanya.

"Kainis kasi 'yung teacher ni Xanth. Bigla ba namang lumapit sa' kin kahapon. Kaya ayon.. nagselos ang dragon ko at binugahan ako ng apoy," sumbong niya sa' kin kaya napangiwi ako.

"Kawawa sa'yo," sagot ko saka ibinaling ang mata ko sa laptop ni Atticus.

Pinapanood ko lang ang ginagawa ni Atticus na hina-hack ang system ng grupo nila Mattias. Hanggang ngayon ay hindi parin nahuhuli ang putanginang 'yun. Nakatakas na naman kaya todo alerto ako ngayon, hindi ako makakapayag na makuha niya ulit sa' kin ang asawa ko.

"I'm in," saad ni Atticus sa'kin kaya napa-ayos ako ng upo at hindi ko tinanggal ang tingin sa laptop ni Atticus.

Mas lalong bumilis ang daliri ni Atticus sa pag-tipa sa keyboard ng laptop niya hanggang sa nabuksan niya ang isang footage.

Assassin Series 8: Caiden Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon