NAGLALAKAD AKO palabas ng companya habang tinitignan ko ang laman ng bag ko at hinahanap ang cellphone ko. Baka kasi biglang tumawag si Mattias sakin at masampal na naman ako kung hindi ko agad masagot ang tawag niya.
Ngunit agad akong napatili ng may humawak sa braso ko saka ako hinila. "A-ano ba!! Ikaw na naman!" inis kong sabi ng makita ko ang lalaking kulay luntian ang mga mata.
Isinandal niya ako sa likod ng sasakyan niya kaya bigla akong kinabahan. "Pwede ba.. tigilan mo na ako," saad ko sakanya.
"Bakit may pasa ang mukha mo?" tanong niya sakin habang nakatitig sa mukha ko.
"None of your business," sagot ko saka malakas siyang tinulak. Pero para siyang pader kaya hindi ako nagtagumpay.
"Bakit ka may pasa?" tanong niya ulit sakin. Halos napa pikit ako ng haplusin niya ang pasa ko sa mukha. "Sinong may gawa nito sayo?" Tanong niya ulit sakin.
Iminulat ko ang mga mata ko at sinalubong ang luntian niyang mga mata. "Wala 'to," pag sisinungaling ko. "Nadulas lang ako kahapon kaya nagkapasa ang mukha ko," dagdag ko pang sabi. "Nauna kasi ang mukh—
"You're not good at lying," pag puputol niya sa sasabihin ko.
"Sabihin mo sakin kung sino ang gumawa sayo n'yan?" Tanong niya ulit sakin.
"Paki mo ba?!" inis kong sabi. Natigilan naman siya sa sinabi ko kaya agad kong kinuha ang pagkakataong 'yon para umalis sa harap niya.
Ayaw kong makita ako na maya kasamang lalaki. Alam ko kasing nasa palibot lang ang mga bantay na inilagay ni Mattias para bantayan ako.
Nang makita ko na ang sundo ko ay agad akong lumapit sa kotse kaya pinag buksan ako ng driver ng pintuan.
Tahimik lang ang buong byahe pero sa loob ko ay hindi ako mapakali. Natatakot ako at baka saktan na naman ako ni Mattias. Araw-araw niya kasi akong sinasaktan kaya ang katawan ko ay sanay na sa mga tadyak niya. Maging ang pisngi ko ay sanay narin sa bawat sampal ni Mattias.
Pagkababa ko ng kotse ay napalunok ako ng ilang beses ng makita ko si Mattias na nakatayo sa labas. Halatang galit ito at parang handa na akong sakalin sa leeg.
Kahit ayaw kong lumapit sakanya ay wala akong magagawa. Hinanda ko nalang ang sarili ko dahil malamang.. may nag sumbong na naman sakanya na may kasama akong lalaki.
Pagkalapit ko sakanya ay agad kong natikman ang malakas na sampal sa pisngi ko. Sa sobrang lakas n'on ay natumba ako sa lupa habang sapo ang pisngi ko.
"Puta ka talaga!! Sino ang lalaking yun??!" sigaw niya sakin saka hinawakan ng malakas ang buhok ko.
"Masakit, Mattias.." umiiyak kong sabi habang pilit akong pinapatayo ni Mattias.
"Masasaktan ka talaga sakin ngayon. Wala kang kadala-dala. Sino yun? Kalaguyo mo ba yun??!" sigaw niya sakin ulit saka sinuntok ang tyan ko.
Halos napa-ubo ako sa sakit at pilit tinatanggal ang kamay ni Mattias sa buhok ko.
Tumingin ako sa mga tauhan ni Mattias para sana humingi ng tulong, ngunit, kahit isa.. wala man lang gustong tumulong sakin.
Mas lalo akong napa-iyak dahil sa sakit ng kaladkarin ako ni Mattias papasok ng bahay. "Ano ba, Mattias, nasasaktan ako." umiiyak kong sabi.
Ngunit para itong walang narinig ng mabilis niya akong tinulak sa sahig ng maka pasok kami sa bahay. Napasalampak ako sa sahig at tinatanggap ang bawat tadyak ni Mattias sa katawan ko.
Ganito siya sa t'wing nalalaman niya na may lumalapit sakin na lalaki. Lagi niya akong pinag bibintangan na kalugoyo ko 'to at niloloko ko daw siya.
Halos mapa-iyak ako habang pilit na sinasalag ang tadyak ni Mattias gamit ang kamay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/337411244-288-k643925.jpg)
BINABASA MO ANG
Assassin Series 8: Caiden Dela Vega
Romance||R-18🔞|| [✅Complete] ⚠️Matured Content (Under Editing) Caiden Dela Vega, the hottest soldier and a group member of Crimson Blade Assassination.