This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the permission of the author.
This story contains some unnecessary words that might offend you. You can skip this one if your not cup of tea.
[Career Series 2; To end the Anguish]
written by: JonalynYan__
The table has turned.
Ayan ang madalas na naririnig ko noong college pa ako lalo na kapag nakakapasa sa mga exams. Lahat kasi ng hirap namin ay nasusuklian kahit na hindi kataasan ay at least nakakapasa.
Kahit sa buhay ay gano’n din. . .
But my table turned. . . Not so lucky.
Palaaway. Malakas manapak. Maangas. Ayan ang madalas kong marinig mula sa mga schoolmate ko since elementary.
Oo lumaki ako bilang isang maangas. Hindi madalas mag-ayos. Laging nakatali, naka-oversized shirt lagi at jogger. Not until. . .
I met him. . .
Napatingin ako sa batang nasa paanan ko dahil panay ang hila niya sa may laylayan ng damit ko. Nagpaplantsa kasi ako ng susuotin ko para sa trabaho ko.
“Hi, baby. Bakit?” malambing kong tanong sa kaniya.
He giggled and showed me his toy. “Pey! Pey!” paulit-ulit niyang sambit sa akin.
“Saglit lang, baby tatapusin lang ni mama ang pagpaplantsa para may makapag-ayos tayo, okay?” sabi ko sa kaniya na animo’y maiintindihan niya.
Hindi pa rin niya ako tinigilan sa kakakulit, kaya tinapos ko na ang ginagawa ko. Nang mabunot ko na saksakan ng plantsa ay bahagya akong lumuhod sa harapan ng anak ko.
Kinarga ko siya at hinalikan sa pisngi niya. He’s now 2 years old. He’s my unexpected blessing.
Sa totoo lang ay hindi pa ako handang maging ina no’ng mga panahon na nalaman kong buntis ako, pero tinanggap ko na lang din. Nandito na at dahil na rin hinayaan ko ang sarili kong bumuka para sa isang lalaki noon.
Hindi ko rin naman inaasahan, akala ko kasi hindi ako mahuhulog sa isang lalaki dahil lumaki akong mag-isa at walang karamay sa buhay.
Akala ko, sanay na akong mag-isa. . .
“Ma—ma,” pagtawag ng anak ko sa ‘kin dahil tulala na naman ako.
“Hmm? Bakit, baby? Gusto mo mag-play tayo?” tanong ko.
“Pey! Pey!” sabi na naman niya.
Maaga siyang nagising ngayon at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko tuloy maasikaso ang sarili ko para sa pagpasok ko sa trabaho.
I’m an animator and part-time graphic designer. Minsan sinasama ko na lang ang anak ko kapag kaunti lang ang gagawin ko sa opisina pero kapag marami ay iniiwan ko siya sa kapitbahay.
“Kain ka muna tapos ligo na tayo. Aalis tayo, okay?” sabi ko sa kaniya.
Niyakap ko lang siya at dinala na sa kusina. Mabuti na lang at nakapagluto na ako ng almusal namin. Minsan kasi ay ayaw niya talaga magpalapag lalo na kapag gusto niyang maglaro.
BINABASA MO ANG
To End the Anguish (Career Series 2) | ✓
RomanceCareer Series 2: COMPLETE Anguish. Suffering. Pain. That's how Lorelei describes her life. As an only child, she has never been experienced enough love from others and just always left behind. Not until, she met Josef, the SSG president, the person...