EPILOGUE.
TW (SENSITIVE TOPIC: depression)
read at your own risk.
Josef POV
“May ininom ba siyang medicines before siyang matulog?” tanong ng Doctor.
“Hindi ko po alam, Doc. Ang huling usap namin ay nakaharap siya sa laptop niya dahil tinatapos niya ang project nila tapos paggising ko... Ayun na ang nangyari sa kaniya.”
Tinapik niya ako sa aking balikat. “Go back to your house and find the medicine that she took last night.”
Pagkatapos iyong sabihin sa akin ng Doctor ay mabilis akong umuwi ng bahay. Si Nikko ay na kay mama Jemma muna dahil nasa ibang bansa ang mga magulang ko.
Mabilis akong pumasok ng kwarto nang makarating ako sa bahay. Hinalukay ko ang drawer kung saan siya nakaupo kagabi. Nakita ko ang isang bottle ng sleeping pills. Kailan pa siya umiinom nito? Nahihirapan ba siyang matulog?
Wala naman akong maalala na sinasabi niya sa aking nahihirapan siyang matulog.
Kaagad kong kinuha iyon at naghanap pa ako ng iba pero iyon lang ang nakita ko. Wala rin akong nakitang reseta para roon. Mabilis lang akong bumalik sa hospital dahil naka-kotse naman ako.
Wala pa ring malay si Lori pero may pulso raw ito ngunit mabagal.
“Doc, ito na po...” Inabot ko sa kaniya ang bottle. “Wala akong maalala na nagpa-check up siya para sa sleeping pills. Doc, sa tingin n’yo po ba na-overdose siya?”
Sinuri ng Doctor ang bottle. Napailing na lang siya bago tumingin sa akin. “This sleeping pills was not FDA approved, masiyadong mataas ang dosage niya per capsule at isa pa, it can lead to death. Maswerte ang asawa mo dahil naidala mo siya kaagad dito dahil kung hindi, I’m sorry, Mr. Constantino, your wife can’t survive.”
“Ano pong gagawin, Doc sa kaniya para magising na siya?” natataranta kong tanong.
“As of now, we need to observe her dahil nasa katawan pa rin niya ang gamot and it’s still affect her but she can survive because she’s healthy and based on her tests. Just wait for her to wake up.”
Pinuntahan na ako ni mama Jemma kasama si Nikko. Kitang-kita ko sa anak namin ni Lori ang lungkot sa kaniyang mukha.
“Papa, ano po nangyari kay mama? Okay lang po ba siya?” tanong niya.
Nakaupo siya sa tabi ko habang nandito sa waiting area. Tumingin ako sa kaniya at niyakap siya.
“Babe will be fine, okay? Magigising din si mama. Masama lang ang pakiramdam niya,” sabi ko.
“Okay po, papa. I will pray po for mama. Na-miss ko na po kaagad si mama, papa,” dagdag niya.
Humalik ako sa tuktok ng ulo niya. “Babalik din si mama.”
Ilang oras pa ang nakalipas pero wala pa kaming naging balita. Halos makatulog na rin si Nikko sa bisig ko dahil sa paghihintay. Nakaupo pa rin ako sa isang bakal na upuan ng hospital. Habang nasa bisig ko si Nikko.
BINABASA MO ANG
To End the Anguish (Career Series 2) | ✓
RomanceCareer Series 2: COMPLETE Anguish. Suffering. Pain. That's how Lorelei describes her life. As an only child, she has never been experienced enough love from others and just always left behind. Not until, she met Josef, the SSG president, the person...