Chapter 16

6.9K 174 7
                                    

Lorelei POV

“Lori, anak. Sama ka sa amin sa sabado. Mag-aouting kami,” sabi ni tita Josie.

Nasa bahay nila ako ngayon dahil tapos na ang semester namin at gusto ni Josef na  nandito ako palagi. Tingnan mo naman ngayon at nakasandal sa balikat ko habang ang mga braso niya ay nakapulupot sa may bewang ko.

Kaharap pa namin ang nanay niya!

“Isasama ko talaga ‘yan, ‘ma,” sagot niya nang balak ko na sanang magsalita.

“Magpapaalam muna ako kay papa,” sagot ko sa kanila.

“Ako magpapaalam para sa ‘yo,” singit niya kaagad.

Tumingin ako kay tita Josie. “Oo nga. Kapag hindi ka pinayagan. Dalhin mo rito o kaya kami ang pupunta roon para makasama ka sa amin,” aniya.

Napangiti na lang ako dahil sa bawat lakad nila ay kasama na ako. Sa kanilang pamilya ay ang panganay na lang ang hindi ko pa nakikilala dahil nasa ibang lugar ito nakatira.

Habang si ate Jody naman ay mabait din sa akin at lagi akong binibigyan ng regalo. Ang kuya naman ni Josef na si kuya Jin ay gano’n din. Spoiled na spoiled ako sa bahay na ‘to kaya minsan ay ako na lang ang tatanggi sa mga binibigay nila dahil nahihiya na ako ng sobra.

Naiwan na naman kami sa sala ni Josef at dahil nga bakasyon ngayon ay wala kaming ginawa kung hindi ang manood ng movies. Minsan nga ay natutulugan ko na lang siya dahil gustong-gusto kong matulog.

Napatingala sa akin si Josef. “Gusto mong kumain, babe?” tanong niya.

“Ayaw,” pagsusungit ko.

“Sungit. Inaantok ka?” tanong niya ulit.

Napanguso ako sa sinabi niyang ‘yon at tumango. Tumingin ako sa kaniya at niyakap siya. “Gusto ko talagang matulog,” nakanguso kong sabi.

Hinalikan niya ako sa noo bago tumayo. Hindi ko alam kung saan siya pupunta kaya tiningnan ko ang bawat galaw niya. Umakyat siya sa hagdanan nila kaya napahikab ako lalo dahil makakatulog na ako sa sofa.

Pahiga pa lang sana ako nang mabilis na bumaba si Josef sa hagdanan. Nang makalapit siya sa akin ay nanlaki agad ang mga mata ko nang buhatin niya ako! Pa-bridal style.

“Teka, saan mo ako dadalhin?” tanong ko at kumapit nang mabuti sa kaniya dahil takot akong mahulog.

“Inayos ko kwarto ko. Doon ka na matulog,” aniya.

“Sa sofa na ako.”

Umiling siya at dahan-dahang umakyat ng hagdanan. “Mas malamig sa kwarto. Nakatutok pa sa ‘yo electricfan.”

Napatawa ako. “May electricfan naman sa baba.”

Hindi na siya umimik at binitbit ako hanggang sa kwarto niya. Dahan-dahan niya akong ibinaba sa kama at napapikit na lang ako dahil sobrang lambot ng higaan niya! Ang sarap sa pakiramdam.

Naramdaman kong tumabi siya sa akin at naramdaman ko ang braso niyang yumayakap sa may tiyan ko. Dahan-dahan akong nagmulat at nakita kong nakadapa siya habang nakapikit.

“Baka makita tayo ng mama mo. Umayos ka nga,” sabi ko sa kaniya at tinatapik ang kaniyang kamay.

“Wala naman tayong ginagawa. Matutulog lang.”

Hinayaan ko na siya at ipinikit ko na rin ang mga mata ko. Dala na rin ng antok ay tuluyan na akong nakatulog.

Nang magising ako ay medyo madilim na sa kwarto dahil nakasara ang mga bintana pero alas-quatro pa lang ng hapon. Wala na rin sa tabi ko si Josef kaya dahan-dahan akong bumangon at nag-inat. Medyo napahaba rin pala ang tulog ko.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon