Chapter 22

7.9K 201 7
                                    

TW!

Lorelei POV

I left that house and go to nowhere. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta no’ng gabing iyon. Nakita ko na lang ang sarili kong nasa isang tulay. Akma akong tatalon nang may humila sa akin... At sina Drake at Clarrisse iyon.

Napahagulgol ako sa kanilang dalawa. Wala sa katinuan, lumulutang ang isip.

“I–ilayo n’yo ako rito! Ayoko na rito,” paulit-ulit kong sambit at sinasambunutan ang aking sarili.

Tumira ako sa apartment nila sa loob ng apat na buwan at binalita nila sa akin na pinaghahanap na raw ako ng mga pulis dahil sa pagkawala ko.

Para akong tang**g nagpa-ampon sa kanila kahit wala akong ambag sa tinitirhan nila. Hindi rin nila alam ang story ko pero palagi nilang naririnig sa akin ang pangalan ni Josef. Para na akong baliw sa mga oras na ‘yon.

“Hindi ba kayo natatakot sa akin?” tanong ko habang kumakain kaming tatlo.

Nagkatinginan silang dalawa. “Hindi ka naman nananakit,” sabi ni Clarrisse.

“She’s right pero avoid hurting yourself. Napansin namin ang mga bruises mo sa braso. Sinasaktan mo ang sarili mo?” tanong naman sa akin ni Drake.

Napayuko ako. Sinusuntok ko ang braso ko kapag naiinis ako sa sarili ko dahil baka ako ang dahilan ng lahat ng ‘to. Baka ako talaga ang puno’t dulo ng lahat.

My life was totally a mess. Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat.

“H–hindi, a—” Napatayo ako dahil sa amoy ng bagoong na inilapag ni Clarrisse.

Dumiretso ako sa may banyo at dumuwal nang dumuwal doon. “Ayos ka lang?” tanong niya habang hinahagod ang likuran ko.

“Ilang araw na ‘to baka hindi lang maganda ang pakiramdam ko,” kagat labi kong sagot bago nagmumog.

“Baka buntis ka. May boyfriend ka ba o asawa?”

Napatitig ako kay Clarrisse at ilang beses na napalunok. Ayaw ko nang dalhin ang anak ni Josef. Ilang beses akong umiling-uling at napaupo sa sahig. Nagsimula na naman akong umiyak.

“A–ayokong dalhin ang anak niya. Hindi ko dadalhin ang anak niya. A–ayoko.”

Hindi na ako handang maging ina dahil sa kaniya. Sinira niya ako. Sinira niya ang pagkatao ko. Pakiramdam ko ay nababaliw na talaga ako.

Naramdaman ko ang bisig ni Clarrisse at hinayaan lang akong umiyak sa bisig niya.

Kinagabihan ay nag-take ako ng pt at doon ko nalaman na buntis ako. No’ng una iniyakan ko dahil hindi ko na kayang bitbitin. Sira na nga ang buhay ko, paano ko pa siya bubuhayin? Hindi ko siya kayang dalhin sa kamalasan ng buhay ko.

Bumalik sa akin ang lahat ng alalaala simula no’ng nagkaroon ako ng fake pregnancy. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko no’ng malaman ko na buntis ako.

Natatakot, nanghihinayang, nagsisisi at ayaw na ayaw sa bata.

After one week that I found out that I’m pregnant. Nakatayo ako sa harapan ng bahay ni papa. Sa bahay talaga namin.

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko nang makita kong buksan ni papa ang pintuan. Mangiyak-ngiyak siya nang makita ako. Mabilis siyang humakbang at niyakap ako nang mahigpit.

“Dapat u–umuwi ka na lang dito, anak. Hindi ka na dapat naglayas pa, pinag-aalala mo si papa, e. Hindi ko na alam kung saan ka hahanapin...” Hinarap niya ako. Nagtagpo ang tingin namin. “Ayos ka lang ba? Saan ka ba galing, ha? Nag-alala ako ng sobra. Maayos ba ang tinirhan mo?” Hinaplos niya ang mukha ko. “Kawawa naman ang panganay ko. Huwag ka na ulit aalis, hmm?”

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon