Lorelei POV
“Sus, crush na crush mo talaga ako,” pang-aasar ko sa kaniya.
Tumawa ito. “Sa tingin mo?” tanong niya pabalik sa ‘kin.
Napairap ulit ako. Nakakairita talaga siya! Ayaw na niya akong tantanan simula no’ng may nangyari sa ‘ming dalawa.
“‘Wag ka na doon sa ex mo, ha? May girlfriend na ‘yon.”
Hindi pa rin pala siya tapos sa kakasalita! Akala ko pa naman ay makakatakas na ako. Naglalakad na kasi ako sa kalagitnaan ng ground at sunod siya nang sunod sa ‘kin.
“Papasok na ako. ‘Wag ka na ngang sumunod!” reklamo ko sa kaniya.
“Sabay tayo mag-lunch,” aniya.
Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya. “Tigilan mo na nga ako, Josef. Naiirita na ako sa ‘yo. Wala na nga tayong ugnayan, e. Ano pa ba’ng hindi mo maintindihan doon? Matalino kang tao, alam ko, kaya please,” mahaba kong litanya.
Bahagya siyang natigilan at napakurap. Dahan-dahan din nawala ang ngiti sa mga labi niya at napakamot siya sa batok niya.
“Sorry. Makulit ba ako?” tanong niya.
Napabuntong-hininga ako. “Minsan, okay? Hindi kasi ako sanay na may umaaligid sa akin. Kaya kong mag-isa at hindi ko kailangan ng kasama. I grew up alone.”
Tumango-tango siya na parang naintindihan ang sinabi ko. “Alright. Pero ‘wag mong kakalimutan na kapag kailangan mo ng tulong o ng makakausap, nandito lang ako para sa ‘yo. Puntahan mo lang ako sa USSG office. Tawagan mo ako, pupuntahan kita.”
Ngumiti siya bago siya dahan-dahang tumalikod sa akin. Nakita ko ang papalayo niyang bulto.
Gustong-gusto ko ang presensya niya pero natatakot din ako para sa sarili ko. Alam ko kasing darating din ang araw na aalis siya sa buhay ko. Wala naman kasing permanente sa mundo. Natatakot akong ma-attach sa kaniya at maiwan sa tabi na parang wala kaming pinagsamahan.
Sinasanay ko ang sarili kong mapag-isa dahil alam kong sa huli, kapag iniwan na ako ng lahat; sarili ko pa rin ang matatakbuhan ko. Sarili ko lang din ang magcocomfort sa sarili ko.
Napaupo ako sa sahig nang may biglang tumulak sa ‘kin. Inis akong humarap doon at nakita ko ang isang babaeng galit na galit. Matalim ang tingin niya sa akin at parang anytime ay gusto niya akong tagain.
Dahan-dahan akong tumayo ay pinagpagan ang suot kong uniform.
“Problema mo?” kalmado ko pang tanong.
Pagak siyang tumawa. “Problema ko? Ikaw!”
“Oh, bakit? Inaano ka diyan?!” hindi ko mapigilang sigaw.
Ni hindi ko nga siya kilala dahil ngayon ko lang siya nakita! Parang lumalapit na naman ang gulo sa ‘kin. Naiirita na ako, aba!
“Nilalandi mo ang boyfriend ko!” sigaw niya rin sa ‘kin.
“Gag* ka ba? Bakit ba kapag may kabit ang boyfriend n’yo, sa ‘kin ang takbuhan n’yo?! Mukha ba akong garbage collector para mangolekta ng mga basura?” inis kong tanong sa kaniya.
“Sinasabi mo bang mukhang basura ang boyfriend ko?”
Tumawa ako nang malakas dahil sa tanong niyang iyon. Iyong tawa na nakakaloko at sobrang lakas. Bwesit ‘to!
“Oops, girl hindi ako nagsabi, ah? Galing mismo sa bibig mo.”
Para na naman siyang umuusok na toro dahil sa inis. “Napakawalang hiya mo!” sigaw sa akin at bigla akong sinampal, kaya napatigil ako sa pagtawa.
BINABASA MO ANG
To End the Anguish (Career Series 2) | ✓
RomanceCareer Series 2: COMPLETE Anguish. Suffering. Pain. That's how Lorelei describes her life. As an only child, she has never been experienced enough love from others and just always left behind. Not until, she met Josef, the SSG president, the person...