Chapter 14

7.2K 214 1
                                    

Josef POV

Inaayos ko ang aking sarili habang hinihintay si Lori rito sa harap ng bahay nila. Kanina pa ako nag-text na nandito na ako, pero hindi pa siya nagrereply.

Napatingin ako sa window ng kotseng nasa gilid at nagsalamin ako. Inayos ko ang aking buhok. Nang bumukas ang pintuan nila ay napatingin ako roon pero nadismaya ako nang hindi siya ang nakita ko.

“Hi, kuya Josef. Si ate Lori ba ang hinahanap mo?” tanong ni Jen.

“Oo, e tulog pa ba siya?” tanong ko.

Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Ang alam ko po kasi, kuya ay hindi umuwi si ate.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hinatid ko naman siya kagabi kaya imposibleng hindi pa siya umuuwi.

“Jen, kuha—” Napatigil si tito Harold sa pagsasalita nang makita ako.

“Good morning po, tito. Si Lori po?” tanong ko.

Tumingin muna siya kay Jen. Halata ang lungkot sa mga mata niya. “Pumasok ka muna, Jen.”

“Opo, pa.”

Nang makapasok si Jen ay lumapit sa akin si tito Harold. “Ang totoo ay pagkatapos naming mag-usap kahapon ay sinabi niyang gusto niya munang mapag-isa. Hindi ko alam kung saan siya nag-stay pero baka sa mga motel siya. Sabi niya kasi ay gusto niyang makapag-isip kahit ilang araw lang. Kaya hindi ko alam kung nasaan siya.”

“Gano’n po ba. Salamat po.”

Pagkatapos no’n ay umalis na rin ako dahil kailangan ko siyang hanapin. Kaya pala kagabi pa ako hindi mapakali. Hindi pala siya umuwi sa bahay nila. Nag-aalala ako.

Kailangan niya ako. Kailangan ko siyang damayan. Kailangan ko siyang samahan. Malungkot na naman siya, kailangan niya ng kasama.

I decided to text her.

to: future gf ♡

Nasaan ka?
Kailangan mo ba ng kausap?
Tawagan mo lang ako.
Handa akong makinig sayo
Kung hindi mo na kaya, nandito ako.

Naupo ako sa may gilid ng kalsada dahil baka mamaya ay dumaan siya pero ilang minuto na akong nandito ay wala pa rin siya. I decided to go to school dahil kailangan nga ako dahil start na ng foundation week namin ngayon. Hindi ako nakapunta sa opening dahil nag-aalala ako sa kaniya.

Kaagad akong sinalubong ni Leica at inis na inis na sa akin. “Bakit wala ka kanina? Hinahanap ka pa naman ng director!” aniya.

“May emergency lang. Pasensya na.”

“Buti at na-handle nina Jacob ang event jusme! Halika na at may mga need ka pang i-check na booths.”

Hindi nagfu-function nang maayos ang utak ko sa ngayong wala siya sa tabi ko. Hindi ko rin alam kung nasaan siya... Nag-aalala ako lalo na sa kaniya dahil hindi man siya tumawag pabalik o nag-text.

“Huy! Tulala ka? Ayos ka lang?” tanong ni Peter. Ni hindi ko nga napansin na nandito na siya, e.

“Si Lori... Hindi ko alam kung nasaan siya.”

“Magpapakita rin iyon kung gusto niya. Katulad nga ng sabi mo kanina.”

Taka akong tumingin sa kaniya. “Kanina? Nagkita na tayo kanina?”

Napamulsa siya sa kaniyang mukha. “Dumaan ka kaya sa booth namin at sinasabi ‘yan. Hindi ka ba aware? Gag* malala ka na.”

Magsasalita sana ako nang tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng table. Kahit hindi ko nakikita kung sino ang tumatawag ay sinagot ko na kaagad iyon.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon