T.W.!
Lorelei POV
Nakatitig ako kay Josef habang walang malay na nakahiga sa hospital bed. Mayroon siyang bandage sa ulo at may swero sa kaniyang kamay. Ilang oras na ang nakalipas simula no’ng aksidente at gabi na rin ngayon.
Hinihintay ko na lang ang parents niya dahil kailangan ko nang umuwi at hinahanap na ako ni Nikko. Matagal din bago nabuksan ang cellphone ni Josef dahil may password iyon pero anniversary lang pala namin ang sagot.
Bumukas ang pintuan kaya napatingin ako doon. Pumasok si mama Josie at nasa likuran niya si papa Jordan. Napalunok ako dahil alam kong galit sila sa akin ngayon dahil iniwan ko ang anak nila noon.
Lumapit sa akin si mama Josie at niyakap ako. “Ayos lang ‘yan, anak. Magigising na rin siya,” sabi niya.
Napaluha ako bigla dahil nakaramdam ako ng karamay. “M–Mama, sorry sa lahat. Iniwan ko si Josef noon. H–hindi ko alam.”
Naramdaman ko ang haplos niya sa aking buhok. “Wala kang kasalanan, anak. Naipit ka lang sa sitwasyon. Wala kang ginawang mali.”
Hinayaan niya lang akong umiyak sa balikay niya nang bigla kong maalala si Nikko.
“Mama, kailangan ko na pong umuwi,” biglaang sabi ko.
Hinarap niya ako. “Bakit?”
“Baka hinahanap na ako ni Nikko, ma.”
May pagtataka sa kaniyang mukha. “Nikko? May bago ka ng asawa?” tanong niya.
Umiling ako at ngumiti sa kaniya. “Hindi po. Anak po.”
Nanlaki ang mga mata niyang hinarap ako. “May anak ka na?”
“Opo, ma. Anak po namin ni Josef.”
Bahagyang napaawang ang kaniyang mga labi. “Bakit hindi ko alam?”
“K–kasi, ma ano, e. Magulo kasi iyong nangyari noon. Eexplain ko na lang po kapag gising na si Josef.”
“Ilang taon na siya?”
“2 years old na po siya.”
Niyakap niya ako ulit. “Gusto ko siyang makilala, ah?”
Tumango-tango ako at pinunasan ang mga luha ko. “Opo, ma.”
Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tumingin kay Josef. Lumapit ako roon at hinalikan ang kaniyang kamay. “Gising na, ah. Gusto mo pang makasama si Nikko, ‘di ba? Hahayaan na kita na makasama siya.”
Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya at tumingin kina mama at papa. Ngumiti lang ako bago magpaalam sa kanila.
Nang makarating ako sa bahay ay naririnig ko naman ang pag-iyak ni Nikko. Mabilis akong pumasok sa bahay at naririnig ko lalo ang paghahanap niya sa akin.
“Baby ko,” sambit ko, kaya napatingin siya sa akin. Dahan-dahang humina ang kaniyang iyak. Nang makalapit ako sa kaniya ay niyakap ko siya. “Na-miss mo ba si mama?”
Tumingin ako kay papa. “May lagnat yata siya, anak. Mainit kasi siya kanina pero pinainom ko na ng gamot.”
Humilig sa may balikat ko si Nikko. “Mama,” aniya.
Kinarga ko siya at hinalikan ang kaniyang pisngi. “Miss mo na si mama kaagad? Sorry na, baby ko.”
Humigpit ang yakap niya sa akin. Pumasok ako sa kwarto namin at dahan-dahan siyang inilapag. Inilagay ko ang palad ko sa kaniyang noo para tingnan kung nilalagnat nga siya. Meron nga.
BINABASA MO ANG
To End the Anguish (Career Series 2) | ✓
RomanceCareer Series 2: COMPLETE Anguish. Suffering. Pain. That's how Lorelei describes her life. As an only child, she has never been experienced enough love from others and just always left behind. Not until, she met Josef, the SSG president, the person...