Lorelei POV
Nasa clinic kami ngayon dahil ayaw ko na siyang palaruin. “Masakit pa ba?” tanong ko sa kaniya nang makaalis ang nurse.
Tumawa siya. “Hindi, ah! Joke lang ‘yong masakit.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Nagpatulak ako para kunwari totoo. Gusto ko lang talagang ilabas ka roon sa court kasi ayaw kong may ichecheer kang iba,” aniya na nakapagpanganga sa akin.
Kinurot ko siya sa kaniyang braso. “Napakasinungaling mo talaga! Napaka-bwesit mo talaga!”
“Pero masakit pagbagsak ko, ah!”
Inirapan ko siya. “Ewan ko sa ‘yo.”
“Yieee, nag-aalala.”
Palihim akong umirap at umupo sa couch na malapit sa pintuan. Napatingin ako kay Josef na nakangiting nakatingin sa akin. Bahagya pang nakatagilid ang kaniyang ulo na parang sinusuri ako.
“Ano na naman?” tanong ko.
“Ang ganda mo,” aniya.
Inirapan ko siya at napasinghap ako. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at ang kakaibang kiliti sa aking tiyan.
“Tigilan mo ako, Sef. Kung mambebwesit ka. Sinasabi ko sa ‘yo,” sabi ko na lang.
Narinig ko ang pagtawa niya. “Ang ganda—”
“Manahimik ka na nga!”
Nakita ko ang paglapit niya kaya nataranta ako kaagad at hindi alam ang gagawin. Nilibot ko ang tingin ko at kaming dalawa lang ang nandito!
Kinorner niya ako sa couch at nakita ko ang pag-alpas ng ngiti sa labi niya. “Kapag sinabi kong maganda, maganda ka.”
Tinaasan ko siya ng kilay, pilit ko kasing pinapakalma ang sarili ko! “Ano naman?” mataray kong tanong.
“I like you so much. I’m admiring you—”
”Oh, God, Sef stop being cringe!”
Cringe? My God! Ayaw lang kumalma ng puso ko kakatibok kaya masasabi kong cringe pero shuta kanina pa nagwawala ang puso ko sa mga sinasabi niya.
Umayos siya nang pagkakatayo. “I’m excited to be your boyfriend.”
Napairap ako dahil sobrang lapit na talagang sagutin ko siya. Baka nga bukas ay kami na, e. Last day na kasi ng foundation week.
“Uwi na ako,” sabi ko at tumayo.
Napanguso naman siya na parang nagmamaktol na bata. “Ayaw. Dito ka lang,” aniya.
“Ang arte mo,” sabi ko sa kaniya.
“Ih, ayaw ko nga. Dito ka lang.” Hinawakan pa ako sa magkabilang balikat.
“Sarap mong ibulsa, Sef,” natatawa kong saad sa kaniya. I tiptoed and kissed his left cheek. “Pero kailangan ko nang umuwi. Gusto kong matulog at alam kong marami ka pang gagawin.”
Dahan-dahan siyang napabitaw sa akin at natulala bigla. I kissed his right cheek. “Do your best,” sabi ko at iniwan siyang tulala.
Napangiti ako nang palihim dahil alam kong may epekto sa kaniya iyon. Sus dapat nga ay hindi na masiyado dahil no’ng mga nakaraan ay nagnanakaw siya ng halik sa akin.
Kinagabihan ay nag-decide akong mag-open ng Facebook ko at ang message ni Josef kaagad ang una kong nakita.
Josef Constantino
• online
BINABASA MO ANG
To End the Anguish (Career Series 2) | ✓
RomanceCareer Series 2: COMPLETE Anguish. Suffering. Pain. That's how Lorelei describes her life. As an only child, she has never been experienced enough love from others and just always left behind. Not until, she met Josef, the SSG president, the person...