Lorelei POV
Sabi nila para gumaan ang pakiramdam mo ay ilabas mo ang nararamdaman mo. Paano kung iyong taong iyon ay nanakit sa‘yo ng sobra? Haharapin mo ba? Wala silang ginawa sa akin, pero isa sila sa dahilan sa pagkawala ng mga mahal ko sa buhay.
“Ano pa’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Heather sa akin habang papaupo siya sa tapat kong silya. May posas ang kaniyang mga kamay at gulo-gulo ang kaniyang buhok na nakatali.
Ibang-iba na siya sa nakilala ko noon. Iyong mukha niyang puno ng kolorete ay halos eyebags na lang ang meron at nanunuyong balat niya.
“Gusto ko lang makita ka kung paano ka namumuhay sa bago mong bahay...” Ngumiti ako sa kaniya. “Masaya ba?”
Tumaas ang sulok ng labi niya. “Well, mainit talaga dito, gusto mo palit tayo?”
“Ayy, bakit? Deserve ko ba? Hindi ko deserve diyan, siyempre ikaw ‘yan, e. Dapat ikaw ang nandiyan,” pang-aasar ko pa sa kaniya.
Nakita ko kung paano manguyom ang kaniyang kamao habang masama ang tingin sa akin. “Bakit ganiyan ka makatingin? Akala mo siguro nandito ako para kaawaan ka? No. Nandito ako para makita kung gaano ka naghihirap,” nakangisi kong sabi.
“Umalis ka na,” nanggigil niyang sabi at pinipigilan ang sarili na sugurin ako.
“Oh, bakit hindi mo ako sugurin? Takot ka ba? Nasa kulungan ka na, bakit hindi mo dagdagan mga kasalanan mo, gusto mo ‘yon?” seryoso kong saad sa kaniya.
Napaiwas siya ng tingin at nagtiim-bagang. Napabuntong-hininga siya at saktong pagharap niya ay sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas. Halos tumagilid ang ulo niya dahil sa ginawa ko.
Mabuti na lang at nakatalikod ang pulis at busy sa cellphone niya. “Wala kang karapatang sirain ang pamilya ko! You know what, deserve mo talagang tumira dito ng habang-buhay kasi ano, e. Bagay na bagay ka rito.”
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at halos tumalim ang kaniyang tingin. Napatayo na siya at akmang susugurin ako nang makita na siya ng pulis at pigilan siya.
“‘Wag na ‘wag ka nang babalik dito! Demonyita ka!” sunod-sunod na sigaw niya sa akin. Napatingin siya sa paligid at halos nakatingin na sa kaniya ang lahat. Pagak siyang tumawa. “Wala ang asawa mo, ah. Mabait pa naman ang isang ‘yon. Kung nandito lang ‘yon baka pinauwi ka na.”
Ngumiti ako sa kaniya at humalukipkip habang nakasandal sa upuan. “Si Josef mabait, ako hindi, e. Aware rin siya sa ugali ko. Alam niya rin na ang sama ng ugali ko ay lumalabas lang kapag may demonyo sa paligid,” nakangiti kong saad sa kaniya.
Kitang-kita ko ang panggagalaiti sa kaniyang mukha. “‘Wag na ‘wag ka nang babalik dito! Tandaan mong hindi ka na makakabalik dito!”
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko na nasa tabi ko. “Ayy hindi talaga. Deserve mong hindi dalawin. Dinalaw lang talaga kita for the slap you deserve. Anyway, sana magtagal ka rito.”
“You wish!”
Umiling ako at tumawa. “Hindi lang wish, madam. Ima-manifest pa natin ‘yan with cutie-cutie at music galing sa TikTok,” saad ko bago siya iwan.
Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin at pinapabalik ako pero hindi na ako lumingon pa at dire-diretsong lumabas ng women jail. Sa kabila naman ako pumunta, sa men.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko lalo nang makita ko siyang naiinis na sa akin. Pagkapasok ko sa station ay pinalista lang ako at ipapaiwan sa front desk ang cellphone. Habang naglilista ako ay tumunog ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
To End the Anguish (Career Series 2) | ✓
RomanceCareer Series 2: COMPLETE Anguish. Suffering. Pain. That's how Lorelei describes her life. As an only child, she has never been experienced enough love from others and just always left behind. Not until, she met Josef, the SSG president, the person...