Lorelei POV
Hinihintay ko si Josef na bumalik dahil siya na ang nag-order ng kakainin namin ngayon. Nasa counter siya ngayon habang nakatingin sa menu.
Kitang-kita ko ang kaniyang likuran, medyo may kasipikan ang kaniyang damit kaya makikita mo ang bakat ng kaniyang katawan.
Mukhang nag-ggym siya. Ang ganda ng katawan.
Nakatalikod pa lang, mukha ng g’wapo.
Napatingin ako sa gilid ko dahil rinig na rinig ko ang hagikhikan nila. Nakatingin sila kay Josef at animo’y kinikilig na nagbubulungan.
“Grabe. Ang g’wapo niya talaga,” bulong ng isa.
“Tapos ang batak pa sa acads! Balita ko rin nga President ‘yan ng university na pinapasukan ng isa kong kaibigan,” paliwanag pa ng isa.
Napatingin ako ulit kay Josef na nakatingin na sa akin ngayon. Seryoso siya kanina pero no’ng tumingin ako ay bigla siyang ngumiti. Napaiwas ako ng tingin dahil nadadala na naman ako sa ngiti niya.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya ulit pero nakatalikod na siya dahil siya na ang kausap ng nasa counter.
Nagmumi-muni ako saglit habang hinihintay siya dahil baka mamaya kapag binantayan ko ang bawat galaw niya ay unti-unti nang may mamuong nararamdaman para sa kaniya.
Matapos ang ilang minuto ay dumating na rin siya habang may hawak na tray. Kasama ang isang waiter. Nang mailapag niya iyon ay nakita kong marami siyang inorder!
Sa isang tray ay mayroong chicken with spaghetti dalawa iyon. Dalawang coke float, dalawang large fries. Habang ang kabilang tray naman ay mayroon peach mango pie saka dalawang burger pa.
Gusto niya yata akong busugin!
“Thank you,” sambit ko sa waiter.
Nang makaalis na ito ay umupo na rin si Josef sa tapat kong upuan.
“Ang dami mo namang inorder. Kaya ba natin ‘yan!? Saka wala akong budget,” sabi ko pa.
Nakita ko ang pagngiti niya. “I-take out natin kapag hindi na kaya. And who told you... that I will let you pay?” tanong niya.
“Ako kasi ang nagsabi na sa l—”
“Yeah, pero you won’t consider this is a date pero para sa akin, date natin ‘to. My treat kasi date natin.”
Biglang umurong ang dila ko dahil sa sinabi niya! Talagang kinareer niya na date naming dalawa ‘to! Ayaw talaga niya patalo! Oh, sige kung ‘yan naman ang gusto niya ay hahayaan ko siya.
“Sige ikaw bahala,” tanging sabi ko.
Inurong na niya sa akin ang ilang pagkain. “Eat well. Kapag naging tayo, hindi lang ‘yan ang ipapakain ko sa ‘yo. Luto rin ni mama,” aniya.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. “Natikman ko na kaya luto ng mama mo.”
“Yeps pero araw-araw na siyang magpapadala ng pagkain kapag nalaman niya na ikaw ang girlfriend ko.”
Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Naaalala ko kasi iyong huling kita namin ng pamilya niya. Masaya naman pero ayun ‘yong mga oras na may anak pa kami kuno pero wala naman talaga. Kaya hindi ko alam kung ano pa rin ang nararamdaman nila para sa akin.
“Hindi ba sila galit sa ‘kin?” tanong ko.
Kumunot ang kaniyang noo. “Huh? Bakit naman sila magagalit sa ‘yo? Wala ka namang kasalanan sa kanila.”
BINABASA MO ANG
To End the Anguish (Career Series 2) | ✓
RomanceCareer Series 2: COMPLETE Anguish. Suffering. Pain. That's how Lorelei describes her life. As an only child, she has never been experienced enough love from others and just always left behind. Not until, she met Josef, the SSG president, the person...