Chapter 3

9.1K 240 8
                                    

Josef POV

Nang malaman kong nagbunga nga ang nangyari no’ng gabing iyon. Hindi ako nagdalawang isip na akuin ang responsibility. Kahit na nalaman kong may drugs na naman ang alak. Parehas naman kaming walang kasalanan.

My heart clenched when I heard her uttering her words. Saying that... She’s not ready to be a mother.

Alam kong mahirap para sa kaniya ‘yon, pero ayaw ko rin namang mawala ang batang nasa sinapupunan niya.

I don’t want to escape from the responsibility.

I want to make sure that she’s safe and okay.

“Mama,” pagtawag ko kay mama habang nagtutupi ng kaniyang mga damit sa kaniyang kwarto.

Nakangiti siyang tumingin sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at naupo sa gilid ng kama.

“Ma, nakagawa po ako ng kasalanan,” sabi ko sa kaniya at nagsimula nang mamuo ang mga luha ko.

Natigilan siya sa pagtutupi at tumingin ng diretso sa akin. “Ano’ng ginawa mo?” tanong niya.

“No’ng umaga na ako nakauwi... M–may nangyari sa ‘min ni Lorelei.”

Kumunot ang kaniyang noo. “Ano? Sino ang Lorelei na ‘yon?”

“‘Yong ka-schoolmate ko, ma.”

Huminga siya nang malalim at napailing. “Nabuntis mo ba? Dahil kung oo, Sef sinasabi ko talaga sa ‘yo! Ang bata mo pa at hindi mo naman girlfriend! Pinalaki ba kitang ganiyan?!” marahan niyang sigaw sa ‘kin, kaya napayuko ako.

“H–hindi ko naman sinasadya, ma.”

Nagulat ako nang sampalin niya ako kaya bahagya akong napaigtad sa gulat. Nagsimula nang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa kinikimkim.

“Paano mo papalakihin ang bata?! Nag-aaral ka pa, Josef! Ni wala kang trabaho! Saan ka kukuha ng pantustos sa kanila? Sa amin ng papa mo!?”

“Maghahanap po ako ng t–trabaho.”

Rinig ko ang pagak niyang pagtawa. “Maghahanap?! Ni hindi ka na nga makakilos dito sa bahay dahil diyan sa pagiging president mo sa school n’yo tapos magtatrabaho ka? Gusto mo bang mamatay!?”

Mas lalo lang akong humagulhol sa harapan niya.

“Lumabas ka na bago pa mandilim ang paningin ko sa ‘yo,” aniya. “Labas!” dagdag niya.

Nagmamakaawa pa akong tumingin sa kaniya pero hindi niya na akong magawang tingnan sa mga mata ko at naluluha na ring nakatingin sa bintana.

Nang makalabas ako ay nakita ko kaagad si ate Jody na masama ang tingin sa ‘kin. “Bakit sumigaw si mama? Ano’ng ginawa mo?” nakakunot niyang tanong sa ‘kin. 

Si ate Jody ay 27 years old na. Dalaga at nagtatrabaho bilang accountant. Siya ang pangalawa sa aming magkakapatid. Ang panganay ay si ate Jordi na mayroon ng pamilya at hindi na nakatira sa ‘min. Ang sumunod naman sa pangalawa ay si kuya Jin at ako ang bunso.

“A–ate, ‘wag kang magagalit sa ‘kin, please?” nagmamakaawa kong sabi sa kaniya.

“At bakit? Ano ba’ng ginawa mo?”

“Nakabuntis ako,” pag-amin ko.

Hindi ko naman maitatago sa kanila iyon nang matagal dahil alam kong malalaman at malalaman pa rin nila ang tungkol dito. Mas gusto kong malaman nila mula sa akin kaysa malaman nila sa iba.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon