Josef POV
“Kailan namin makikilala itong babae?” tanong ni papa sa ‘kin habang nakaupo kami ngayon sa sofa.
Kaming dalawa lang ang nandito habang nanonood kami ng movie. Sabado naman kasi ngayon at parehas kaming walang pasok.
“Hindi pa kasi siya handa, pa.”
“Siguraduhin mong nasa maayos siyang lagay palagi. Ang mga buntis pa naman ay maseselan sa ibang bagay.”
“Opo, pa.”
Bigla na namang pumasok sa isipan ko si Lori. Ano kaya’ng ginagawa niya? Ang alam ko rin ay wala siyang duty ngayon. Ayaw niya naman akong papuntahin sa bahay nila dahil hindi pa raw alam ng papa niya.
“Sef, dalhan mo si Lori nito mamaya. Masarap ‘tong niluto ko,” rinig kong sabi ni mama na nasa kusina kaya tumayo ako para tingnan kung ano ang niluluto niya.
Nang makalapit ako sa kaniya ay nakita kong nagluluto siya ng burger at ng beef stew.
“Ang dami niyan, ma, ah. May okasyon ba?” tanong ko sa kaniya at kumurot sa patty.
Kaagad niyang hinampas ang kamay ko. “Para kay Lori lang ‘yang burger! Nasaan na ba siya? Gusto ko siyang makita,” aniya.
“Tatawagan ko muna,” sabi ko sa kaniya at kinuha ang cellphone na nasa counter.
Nagtipa ako sa cellphone ko.
To: Lorelei Nikki
free ka ba? may gustong iabot sa ‘yo si mama na pagkain. gusto mo ba?From: Lorelei Nikki
thank you for saving me again, Josef.Napakunot ang noo ko sa ni-reply niyang ‘yon at ramdam na ramdam ko ang kaba sa puso ko.
To: Lorelei Nikki
are you okay?From: Lorelei Nikki
Sunduin mo ko sa kanto plss?Hindi na ako nagdalawang isip na lumabas ng bahay. Maayos naman ang suot ko ngayon. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanto nila. Nasa kabilang kanto lang naman ang bahay namin bago ang kanila.
Nang makarating ako roon ay naghintay ako sa waiting shed. Medyo tirik pa ang araw dahil mag-aalas tres pa lang ng hapon.
Pagtingin ko sa gilid ay nakita ko si Lori na naglalakad papunta sa ‘kin. As usual, her hair is in ponytail. Oversized shirt ang suot niya, pero ang pambaba niya ay short.
I smiled when she saw me. Inirapan niya naman ako kaagad, kaya marahan akong natawa.
Ang attitude talaga...
“Ano’ng ginagawa mo kanina?” tanong ko.
Bahagya siyang tumingala sa ‘kin para magsalubong ang tingin naming dalawa.
“S–sorry, Josef... Nakalimutan ko na naman siya...” Kitang-kita ko kung paano mamuo ang luha sa mga mata niya. “‘Yong baby, muntik ko na naman siyang makalimutan...” Ilang beses niyang napailing bago yumuko. “K–kung hindi ka nag-text, b–baka, baka wala na ako...”
I hugged her tightly. Naiintindihan ko na ang gusto niyang sabihin. She’s harming herself... Again.
My poor girl...
I cupped her face and kissed her forehead repeatedly.
“S–sorry, Josef. M–minsan kasi hindi ko na k–kaya. Iyon na lang ang paraan ko para matapos na lahat ng sakit ng nararamdaman ko.”
BINABASA MO ANG
To End the Anguish (Career Series 2) | ✓
RomanceCareer Series 2: COMPLETE Anguish. Suffering. Pain. That's how Lorelei describes her life. As an only child, she has never been experienced enough love from others and just always left behind. Not until, she met Josef, the SSG president, the person...