Lorelei POV
This outing made me realize na p’wede rin pala akong maging masaya at magkaroon ng peace kahit na sandali lang.
Staring at the beautiful sceneries around me made me feel like I’m the special one. Dahil binigyan ako ng pagkakataon na makita ang ganitong kagandang bagay sa mundo.
Pababa na ako ng hotel at sinabi ni Josef na hihintayin na lang niya ako sa baba dahil may ihahanda raw siya para sa aming dalawa. Iniwan ko lang ang cellphone ko dahil ayaw ko muna ng istorbo.
Pagkalabas ko ng hotel ay naabutan ko siyang naghahanda ng pagkain doon sa may picnic mat na nasa buhanginan. Nataranta siya nang makita akong naglalakad papunta sa kaniya.
Bahagya akong natawa dahil sa ikinikilos niya. Tumayo siya na parang batang nakagawa ng kasalanan at nahuli ng nanay.
“Sabi ko, mamaya ka na bumaba, e. Hindi pa ako tapos,” aniya.
“Edi tutulungan kita.”
“Surprise ko nga ‘to sa ‘yo, e.”
Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa kaniyang labi. “I was surprised, okay? You’re cute while preparing things.”
Ngumiti siya at hinapit ang bewang ko. “I like you so much.”
His I like you’s made my heart’s beat fast and brings butterflies on my stomach. His actions made me feel safe and comfortable. And his words, made me feel that I am the best gift in life.
“I like you more,” I replied.
Sa ilang buwan na naming magkarelasyon ay hindi pa kami naga-i love you sa isa’t isa, pero pinaparamdam namin kung gaano kami kahalaga sa bawat isa. Hindi niya pinaramdam na gusto niya lang ako, may mas malalim na rason.
Gano’n naman talaga, ‘di ba? Kapag pumasok ka sa isang relasyon ay hindi mo naman kaagad masasabing mahal mo na ang tao. Dahil ang love ay nagdedevelop habang nasa relasyon kayo. Kaya nga nakakapagtaka na ang iba ay nasa talking stage pa lang pero nagi-ilove you han na. How could you say that thing if you just know him or her in just a short span of time?
Hinawakan ni Josef ang kamay ko at inalalayan akong makaupo sa may picnic mat niya. Nakahanda sa picnic mat ang ilang mga pagkain katulad ng prutas, at mga chips at biscuits. May mga artmats din ang nandito kaya tuwang-tuwa ako dahil may hilig din ako sa paggawa ng painting kahit papaano.
Alas-tres pa lang naman at dito na namin hihintayin ang sunset dahil magandang spot ang naupuan namin.
“Para saan ‘to?” tanong ko tukoy ko sa mga artmarts.
“Magpepaint tayo ng kahit anong gusto mo,” aniya at inilabas na ang palette at paint brush.
Kinuha ko naman ang mga acrylic paint at balak kong i-paint ang scenery na ito ngayon. Inilabas ko na rin ang canvas at nagsimula na akong mag-paint.
“Marunong ka?” tanong ko kay Josef dahil nakita kong nakatingin lang siya sa ‘kin.
“Medyo lang,” nag-aalangan niyang sagot.
Alam kong wala siyang hilig sa mga painting dahil ang hilig niya ay mga essay. Sa ilang buwan naming magkarelasyon ay alam kong kahinaan niya ang arts. Pero tingnan mo nga naman ngayon at sinasamahan pa rin akong mag-paint kahit hindi siya marunong.
“Halika tuturuan kita,” sabi ko sa kaniya.
Biglang umaliwalas ang kaniyang mukha at parang excited na bata. Napangiti ako sa reaksyon niyang ‘yon dahil handa naman siyang matuto ng mga bagay-bagay.
BINABASA MO ANG
To End the Anguish (Career Series 2) | ✓
RomanceCareer Series 2: COMPLETE Anguish. Suffering. Pain. That's how Lorelei describes her life. As an only child, she has never been experienced enough love from others and just always left behind. Not until, she met Josef, the SSG president, the person...