Chapter 35

6.7K 112 1
                                    

Last Chapter (Additional chapter)

Josef POV

Today is our family day... Wednesday.

Marami kaming plano ngayon ni Lori ngayong araw. Unang-una ay ang bigyan ng oras si Nikko sa pamamagitan ng pagdala sa kaniya sa mall, manonood kami ng sine. Bibilhan namin siya ng gamit para sa school niya dahil pasukan na nila next next week at bibili na rin kami ng dadalhin namin sa Switzerland this weekend.

Nagluluto na ako ng almusal namin ngayon para may lakas mamaya kapag lumarga na kami.

Papa!” tawag ng anak ko at nakita ko siyang papatakbo sa akin.

“Hello, baby. Good morning,” bati ko sa kaniya.

“Good morning po, papa.”

Umakyat siya sa may silya at naupo doon habang hinahanda ko na ang pagkain na natapos ko nang lutuin.

“Tulog pa ba si babe, anak?” tanong ko.

“Hindi po, papa. Naghihilamos na po si mama...” Tumingin siya sa mga pagkain. “Papa, wala pong bread?”

Ngumiti ako. “Wala pa, anak, e. Naubusan tayo ng bread.”

Napanguso siya. “Sige po, ayos lang po iyon. Okay naman po sa akin kahit ano po ang nakahain sa mesa po. Ayun po ang sabi sa akin ni lola. Huwag daw po akong maging mapili sa foods at kakainin po ang mga inihain n’yo.”

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo. “Very good naman ang baby namin.”

He giggles and hugged me in my waist. I ruffle his hair. “Tawagin mo na si babe,” utos ko at bumalik sa pagluluto.

“Babe, kakain na!” pagtawag niya sa kaniyang ina gamit ang kaniyang maliit na boses.

Natatawa ako dahil last month ay palagi niyang tinatawag na babe ang mama niya. Tinanong ko siya kung bakit at ang sagot sa akin ay tinatawag ko raw na babe at gusto niyang ayun din ang itawag niya sa kaniyang ina.

Napailing na lang ako sa kagustuhan niya. Talagang manang-mana sa pinagmanahan.

Habang lumalaki si Nikko ay napapansin ko na mas lalo siyang lumalambing lalo na sa kaniyang ina. At napapansin ko rin na hindi siya masiyadong matampuhin lalo na kapag iniiwan namin siya kina mama. Para bang independent na siya habang bata pa. Pero ayaw ko pang iparamdam sa kaniya lagi na siya lang.

Dahil handa naman akong ii-spoil siya sa lahat ng pagkakataon.

Nakita ko ang asawa kong kakalabas ng kwarto. Nahikab pa. Ganda talaga ng asawa ko!

“Good morning, babe,” bati niya sa akin nang makalapit siya at humalik sa labi ko.

“Good morning. Let’s eat. I’m done.”

Tumango siya at nagtungo sa anak namin. “Baby, good morning.”

Ngumiti nang malawak ang anak namin. “Good morning, babe.”

Parehas kaming natawa ng asawa ko dahil sa endearment na ginamit niya. Pinanggigilan na naman ni Lori ang pisngi ng anak namin at hinalik-halikan siya roon.

“Mama, good morning na po. Nakikiliti ako,” sabi ng anak namin sabay halakhak na naman.

Umupo na sa tabi niya si Lori at sinandukan ang kaniyang plato. Habang kumakain kami ay halata na ang excitement sa mukha ni Nikko dahil kanina pa siya tanong nang tanong kung anong oras ba raw kami aalis at excited na siyang bumili ng kaniyang Baymax na mga gamit.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon