Chapter 10

7.9K 190 7
                                    

Lorelei POV

Napatingin ako sa orasan at alas-dies na ng gabi. Pahiga na ako dahil kakauwi ko lang galing sa trabaho. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kaagad kong kinuha iyon. Nagdadalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko pa dahil si Josef ang tumatawag.

Matapos ng confrontation no’ng isang araw ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya iniwasan ko si Josef. Hangga’t maaari ay ayoko siyang makita.

Umamin ba naman! Hindi ako handa para sa gano’ng mga bagay. I met Saxe, but that was a time that I want to be open on other people. Pero dahil sa nangyari ay nawalan lang ako lalo ng gana sa lahat.

Papatayin ko sana pero napindot ko ang answer. Wala akong choice kung hindi itapat iyon sa may tainga ko.

“Ano na namang kailangan mo?” tanong ko sa kaniya.

[Lori, gusto kita. Gustong-gusto kita] sambit sa kabilang linya at naririnig ko ang malakas na tugtog.

Nasa bar yata siya? Lasing ba siya?

[Kahit hindi mo ako gusto, ayos lang. Maghihintay naman ako sa ‘yo, e. Handa ako... Kahit napakatagal pa ‘yan. B–bigyan mo lang ako ng chance para patunayan sa ‘yo na hindi mababaw ang nararamdaman ko.]

Narinig ko ang bigla niyang paghikbi at pilit na inaayos ang boses mula sa kabilang linya.

[Huwag mo naman akong iwasan, oh. Nasasaktan ako, e. Bigyan mo ako ng chance, please?]

“Lasing ka ba?” tanong ko at nahiga na sa higaan habang hindi pa rin pinapatay ang tawag.

[N–nakainom lang.]

“Kaya mo pa bang umuwi? Paano kung may mangyaring masama sa ‘yo?”

[K–kaya ko... Kakayanin ko dahil alam kong magagalit ka]

“Paano kapag may nangtrip sa ‘yo sa daanan? Wala kang lakas. Nasaan kang bar?” tanong ko pa at dahan-dahang napaupo sa may kama.

[‘Wag k–ka nang pumunta. Delikado kasi dahil gabi na]

Pinatay ko na ang tawag.

Tumayo ako at nagpalit ng hoodie at ng jogger pants. Itinali ko rin ang buhok ko at lumabas na ng kwarto. Isa lang ang maaari niyang puntahan. Ang Peach Bar. Iyon lang naman ang medyo malapit na bar sa lugar namin.

15 mins. din ang nilakad ko bago ako makarating doon. Marami ngang tao dahil gabi na rin talaga at ganitong oras ang pagdami ng mga costumers.

Pumasok ako at hinanap kaagad ng mga mata ko si Josef. Mabilis ko siyang nakita dahil siya lang ang nakaupo malapit sa counter habang nakayuko roon.

Lumapit ako sa kaniya at kitang-kita ko ang paggalaw ng mga balikat niya. Mukhang umiiyak siya.

Kinalabit ko ito at dahan-dahan naman siyang lumingon. Mula sa pagkakakunot ng kaniyang noo ay lumambot ang kaniyang ekspresyon. Tumigil siya sa pag-iyak at mabils na nagpunas ng kaniyang mga luha.

“S–sabi ko, ‘wag ka nang pupunta, e.”

“Paanong hindi ako pupunta? Lasing ka at ako pa ang tinawagan mo,” sabi ko sa kaniya.

Napayuko siya. “Sorry.”

Nagulat ako nang yakapin niya ako sa bewang ko at nagsimula na naman siyang humikbi. “‘Wag mo na akong iwasan.”

Ipinatong niya ang ang kaniyang ulo sa aking balikat.

“Bigyan mo naman ako ng oras. Alam mo namang hindi pa ako handa, e. Kung ayos lang,” sabi ko.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon