Lorelei POV
Nang lumapit siya sa akin ay kaagad siyang ngumiti. Humarap siya saglit sa kaniyang mga kaibigan at kinuha ang flower at chocolate. Inabot niya sa akin at marahan ko namang kinuha iyon mula sa kaniya.
Masiyadong cliché ang ganitong bagay para sa karamihan, pero alam mo ‘yong feeling na masaya rin palang maka-experience ng ganito.
Iyong tipong haharanahin ka, bibigyan ka ng flower and chocolate. Receiving gifts isn’t my cup of tea dahil lagi kong iniisip na baka hindi galing sa kanila iyong pera na pinambili nila. Kawawa naman ang mga magulang nila kung sakaling nanghingi pa sila para sa akin.
“Nagustuhan mo ba?” tanong niya.
Bahagya akong napatingala sa kaniya dahil hanggang baba ng ilong niya ang tangkad ko.
“Hmm... S–salamat.” Mabilis akong nag-iwas ng tingin at tiningnan ang white tulips crochet.
“Pasensya na kung hindi maayos, ah. Ilang araw ko lang kasing pinag-aralan ‘yan. Pero hayaan mo sa susunod, I will make it perfect,” rinig kong sabi.
Sinuri ko ang sinabi niyang mali raw. Pero wala naman akong napansin. His effort is really matter here. Ang ganda ng way niya. Talaga namang hindi malabong makuha niya ako.
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. “Salamat. Nagustuhan ko,” sabi ko.
Lumawak lalo ang kaniyang ngiti. “Thank you, Lord!” sigaw niya at halos magtatalon-talon pa siya sa tuwa.
Akala mo naman ay sinagot na siya. Kung maka-react, e!
Napahinto lang siya nang tumikhim ako. “May klase ka pa yata,” sabi ko.
“Wala, ah. Pero alam kong busy ka kaya pinapaalis mo na ako. See you later,” aniya.
Kumaway lang ako sa kaniya.
Panay pa ang lingon niya habang naglalakad papalayo. Nang pumasok ako sa room ay puro asaran ng mga kaklase ko ang naririnig ko. Kantyaw rito, kantyaw roon. Hindi sila magkamayaw sa kakaasar sa akin.
Inilapag ko muna ang binigay ni Josef sa tabing upuan dahil kailangan ko talagang tapusin ang narrative report namin.
Nang matapos ako ay binigay ko na sa mga kagrupo ko ang flashdrive dahil sila na ang bahalang magpa-print at uuwi na ako.
Hinatid ako ni Josef pauwi at hinayaan ko na lang din siya. Kung makita man siya ng pamilya ko ay ayos lang.
“See you tomorrow. Susunduin kita,” aniya.
“Ikaw bahala,” sabi ko lang at pumasok na aa gate.
Kumaway ako sa kaniya at nakita ko ang ngiti na nangingibabaw sa kaniyang mukha. Pagkapasok ko sa bahay ay rinig na rinig ko ang tawanan nina papa. Natigil lang sila saglit nang makita ako.
“Ate, may bago ng trabaho si papa,” bungad kaagad ni Jen sa akin.
Napatingin ako kay papa na nag-aalangan pang ngumiti dahil seryoso akong nakatingin sa kanila. Nawala ang kaniyang ngiti at tumikhim. Tumayo siya at lumapit sa akin.
“P’wede ba tayong mag-usap, anak?” tanong niya. “‘Yong tayong dalawa lang. Hindi na kasi kita nakakausap simula no’ng pinakasalan ko ang tita Jemma mo.”
Napatingin naman ako kina tita Jemma at kay Jen. Mabuti na lang at wala rito si Janine. Sobrang impakta ng babaeng iyon. Nabebwesit ako sa ugali niya!
“Sa kwarto na lang po, pa.”
BINABASA MO ANG
To End the Anguish (Career Series 2) | ✓
RomanceCareer Series 2: COMPLETE Anguish. Suffering. Pain. That's how Lorelei describes her life. As an only child, she has never been experienced enough love from others and just always left behind. Not until, she met Josef, the SSG president, the person...