Chapter 26

8K 185 37
                                    

Josef POV

‘Possible na ma-coma siya at hindi talaga natin masasabi kung kailan siya magkakaroon ng malay.’

Ayan ang sinabi ng doctor tungkol sa kalagayan ni Lori. It’s been 3 months since she’s in coma at until now ay wala pa ring sign na magigising siya. Mababaliw na ako kakaisip kung paano siya gigisingin. Lagi ko siyang kinakausap, umaga at gabi para lang maramdaman niya na nandito pa ako at si Nikko na naghihintay sa kaniya.

Nasa labas ako ng ICU habang nakatitig sa asawa kong hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Maraming apparatus ang nakakabit sa kaniyang katawan. Malaki ang naging impact ng aksidente sa kaniya.

Napatingin ako sa humihila ng damit ko. Nakita ko si Nikko na nakangiti sa akin habang hawak-hawak niya ang laylayan ng damit ko.

Kinarga ko siya at tumingin siya kaagad sa loob ng ICU. “Mama, sleep,” aniya.

“Hmm... Miss mo na ba si mama mo?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya at ngumuso. “Miss na miss ko na rin ang mama mo. Sobra...”

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Tumingin sa akin si Nikko. “Cry ikaw, papa?”

“Nami-miss ko lang si mama mo.”

Niyakap niya ako at humalik sa aking pisngi. Ang lambing ng batang ito. Simula no’ng madalas kaming magkasama ay palagi na rin siyang nakabuntot sa akin. Kapag may pasok ako sa trabaho ay sina mama ang nag-aalaga sa kaniya at malambing din siya sa mga iyon lalo na kay papa.

Binitbit ko ang anak namin papunta sa waiting area at doon palaging naghihintay na may magandang balita mula sa pagka-coma ni Lori.

Since her father died, marami ang nagbago... Naging malungkutin na ang bahay nila at wala nang madalas magpatawa. Nawala ang sigla.

Naging saksi ako kung paano nila binurol si tito Harold. Kitang-kita ko kung paano sila magluksa lalo nang malaman nilang comatose si Lori. They really love each other.

Ang pumatay kay tito ay ang tatay ni Zach, ang kaibigan din ni Peter. Hindi ko rin naman masisisi ang anak dahil wala naman siyang kasalanan. Naging mabait din sa akin si Zach.

Nasa kulungan na ngayon si sir Chiro at hanggang ngayon ay hindi na siya makakalabas dahil maraming tao ang lumabas na ginawan niya ng kasalanan.

Nasa harapan ako ng puntod ni papa Harold. Naisipan ko siyang dalawin dahil malaking parte siya ng buhay ko.

“Papa, salamat sa lahat. Sayang lang at hindi ka namin makakasama nang matagal. Iyon bang masasaksihan mo pang lumaki ang p–pamilya namin ni Lori. Sayang din at hindi man lang kita nailibot sa buong mundo...” Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. “Pa, ‘wag kayong mag-aalala kasi aalagaan ko ang anak ninyo. Siya lang ang mamahalin ko habang buhay. Siya lang at wala ng iba. Salamat, pa kasi hindi n’yo pinabayaan si Lori no’ng mga panahon na wala ako sa tabi niya. Kayo iyong nandiyan para sa kaniya. Mami-miss ko po kayo ng sobra.”

Pinunasan ko ang mga luha kong pilit na tumatakas mula sa aking mga mata.

“Pa, pasabi naman kay Lori na gising na, oh. Miss na miss ko na po siya, e. Pasabi naman na hinihintay namin siya rito ni Nikko.”

Months passed... Today is Nikko’s birthday same as with our anniversary. Time flies like a wind, 3 years old na si Nikko. Dumaan na rin ang Christmas at ang new year pero hindi pa rin nagigising ang asawa ko.

Almost 6 months na siyang coma. I entered the ICU with a full PPE. Naupo ako sa upuang nasa tabi ng kama ni Lori at hinawakan ang kaniyang kamay.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon