SPECIAL CHAPTER

903 21 2
                                    

Lori POV

New beginning

It’s been years and I must say na unti-unti nang naghe-heal ang puso ko. Masasabi kong malaki talaga ang naitulong sa akin ni Josef at ng anak namin. They’re my support system.

Nandiyan din ang pamilya niya at ang pamilya ko. Nawala man si papa sa amin, alam kong palagi niya pa rin akong ginagabayan sa lahat ng pagkakataon. Hindi niya ako pinapabayaan.

Buwan-buwan kaming dumadalaw sa kaniya dahil pinagpapasalamat ko na hindi niya ako pinabayaan noon. Huli man nang bumawi siya sa akin pero nagawa niya pa ring punan ang pagkukulang niya at masaya ako roon— kulang man ang oras naming dalawa, masaya ako na naging tatay ko siya.

“Mama...” Napatingin ako sa anak ko. “Kakain na raw po sabi ni papa,” aniya.

8 years old na siya ngayon at nakikita kong medyo maingay siyang bata. Akala ko nga no’ng una ay tahimik siyang bata pero palabiro siya. He’s our sunshine. Mukhang nagmana nga siya kay Josef dahil ang isang iyon ay may pagkamaingay rin at pagkakulit kagaya no’ng college.

“Sige po. Magsusuklay lang si mama,” sabi ko at humalik sa kaniyang pisngi.

Katatapos ko lang maligo at si Josef ang nagluto ng aming hapunan. Wala siyang trabaho ngayon dahil sabado at gano’n din naman ako.

Gano’n pa rin ang trabaho namin ni Josef pero paminsan-minsan ay sumasama ako sa kaniya dahil maagang natatapos ang trabaho ko. Sinusundo niya ako mula sa office at dinadala niya ako sa studio niya.

Pagkatapos no’n ay susunduin naman si Nikko sa school at sabay-sabay na kaming uuwi no’n.

“Mama, may pinapabili po sa school. Bili po tayo bukas. P’wede po ba?” sabi ulit ng anak ko kaya napatingin ako sa kaniya.

Marahan akong tumango at hinaplos ang kaniyang buhok. “Oo naman, baby. Ano ba ‘yong kailangan mo?”

Ngumuso siya kaagad. “Kailangan po ng bondpaper saka po ng mga colors.”

“Marami tayong supplies niyan, baby. Papasyal na lang tayo bukas. Okay?”

Ngumisi siya at niyakap ako sa aking bewang. “Thank you po, mama.”

“You’re welcome, baby.”

Tumakbo siya palabas ng kwarto at sumunod na rin ako pagkatapos kong magsuklay. Naamoy ko kaagad ang niluluto ni Josef kaya napangiti ako lalo. Grabe na nga siya magluto. Masarap talaga.

Nakikipagtalo pa siya sa akin dati na mas masarap daw siyang magluto. Hindi ko naman maitatanggi iyon dahil tinuturuan siya ng kaniyang ina simula noon.

“Ang tagal naman maligo ni babe,” rinig kong sabi, mukhang kausap ang anak namin.

“Magsusuklay na lang daw po siya, papa. Ano pong ulam?” malambing na tanong ng anak namin.

“Adobo. Pork adobo.”

Humakbang papalapit sa kanila at ngumiti. “Kakain na?” tanong ko.

“Nandito na si babe, papa!” sigaw ng anak namin kaya natawa ako nang bahagya. “Ibigay mo na po, papa!” excited na sabi ni Nikko at saka ngiting-ngiti.

Napangunot naman ang noo ko lalo dahil doon. Nagtungo ang aking asawa sa may pantry area. Bahagya akong nagulat nang lumabas si Josef bitbit ang bouquet ng bulaklak mula roon at saka marahang inabot sa akin.

Lumapit siya nang husto para makahalik sa aking labi. Gulat at saya ang nararamdaman ko ngayon.

“Para saan ‘to?” tanong ko at ngumiti sa kaniya.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon