Chapter 24

8.2K 192 10
                                    

Lorelei POV

Nasa tapat na ako ng bahay nang marinig ko ang pagtawa ng anak ko. Ganiyan ang tawa niya kapag kinikiliti siya o hindi kaya ay nilalaro siya. Nakangiti akong humakbang papasok ng bahay pero nawala iyon nang makita ko kung sino ang kalaro ng anak namin.

Ang papa niya... Si Josef. Ano’ng ginagawa niya rito? At sino’ng nagsabi na pumunta siya rito sa bahay ni papa? Pinapunta ba siya?

“Anak,” tawag ni papa kaya lahat sila ay napatingin sa akin ang lahat.

Inayos ni Josef nang pagkakatayo si Nikko dahil bahagya itong nakaupo sa malambot na foam. Napatingin sa akin si Nikko at lumawak ang kaniyang ngiti nang makita ako.

“Ma! Ma!” paulit-ulit niyang sambit at naglakad papunta sa akin. Kaagad akong lumuhod sa harapan niya para mapantayan siya.

Niyakap ko siya at nakita ko si Josef na seryosong nakatingin lang sa amin. Nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay mabilis akong umiwas at hinarap ang anak ko.

“Mukhang nageenjoy ang baby ko, ah.”

He giggles and shows me his new car. “Papa bigay,” aniya.

Napatingin ako kina papa at Josef. P*ta**na. Sino’ng nagpakilala sa anak ko? Hindi ko alam pero parang nagpintig ang tainga ko. Hindi ko gusto ang naririnig ko.

Tumayo ako at binitbit si Nikko. Ibinigay ko muna siya kay papa. Masama kong tiningnan si Josef na nakaupo sa sahig.

“Sumunod ka sa akin.”

Lumabas kami ng bahay at sa hardin kami napunta. Pagkaharap ko sa kaniya ay kaagad ko siyang sinampal.

“Ano pa’ng ginagawa mo rito?! At ang kapal din naman ng mukha mong magpakilala sa anak ko!” inis kong sabi sa kaniya.

Hindi siya sumagot at nanatili lang sa p’westo kung paano ko siya sinampal. “Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na hindi mo siya anak!” hindi mo mapigilang sigaw. “Anak ko lang siya, Josef! Anak ko siya!”

Sa pagakakataong iyon ay tumingin siya sa akin. Kitang-kita ko kung paano tumulo ang mga luha niya.

“Nararamdaman kong anak ko siya, Lori. Karapatan kong makasama ang anak ko. Alam kong galit ka dahil sa nangyari noon, pero p’wede bang ‘wag mo siyang ipagkait sa akin?” Nagpunas siya ng kaniyang luha. “Kung ‘yong nangyari pa rin noon ang inaalala mo. Handa naman akong magpaliwanag sa ‘yo. Handa akong sabihin sa ‘yo ang totoo.”

Mas tumalim ang tingin ko sa kaniya. “No, Josef. Doon ka na sa pamilya mo at ‘wag ka nang babalik dito. Magpakatatay ka sa iba mong pamilya. I don’t care dahil wala ka namang anak dito...” Napalunok ako. “Kung gusto mo ng annulment, sige papayag naman ako.”

Umiling siya ng ilang beses. “Hindi. Hindi ko iyon gagawin dahil simula’t umpisa ay wala naman akong ibang pamilya. Kung ayaw mo akong pakinggan ngayon, hahayaan kita. Pero, please? ‘Wag mong ilayo sa akin si Nikko.”

I coldly stared at him for awhile. “Umalis ka na, Josef. You don’t have a child here.”

“Gusto kong makasama ang anak natin, Lori. H–hayaan mo naman ako, oh? Gusto ko rin siyang alagaan katulad ng pinangako ko noon sa s–sayo. Hayaan mo akong ibigay sa kaniya lahat, please?”

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon