Chapter 7

7.9K 205 5
                                    

Lorelei POV

Monday...

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang pinagsaluhan naming halik no'ng sabado. Sa mga actions niya ay palagay kong gusto niya ako. Pero lowkey na hindi ko alam.

Pero hindi ko rin alam kung ano pa ang maihaharap ko sa mga magulang niya... Sa pamilya niya.

Nasa bench ako ngayon malapit lang sa building namin para tanawin ang buong school ground. Medyo mapuno kasi rito at damang-dama ko ang malamig na hangin.

Kahit na ayaw ko mang makita si Josef ay alam kong susulpot at susulpot siya sa harapan ko. Pero ilang oras ang lumipas ay walang nagpakitang Josef sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot kahit hindi naman talaga dapat.

Bakit ba kailangan siyang hanapin ng sistema ko? Eh, mahigit tatlong linggo lang naman kaming magkasama no'n.

Hindi ko alam kung bakit ako napadaan sa opisina ng USSG. Bumukas ang glass door at nakita kong maraming bitbit na papel ang lumabas doon.

"Pakisabi nga kay Sef na bumaba muna siya rito para i-check ang mga papers!" rinig kong sigaw mula sa loob.

Napaatras ako bigla nang may lumabas ulit sa pintuan at nakakunot ang noo. "Kanina pa ako pabalik-balik sa taas!" reklamo nito.

Mukhang ito ang secretary ng USSG base sa suot niyang uniform nila.

Napatigil lang siya nang makita ako at pilit na ngumiti sa 'kin. "Hi, wala si Pres. dito nasa taas, e."

"Ayy hindi ko naman siya hinahanap. Napadaan lang ako," tipid kong sagot sa kaniya.

Hindi ko na siya pinagsalita dahil umalis na rin ako kaagad. Bigla kong naisip na ang hirap talagang maging part ng organization sa mga university. Dahil bukod nga sa academics ang focus mo ay dapat mo ring pagtuunan ng pansin ang mga responsibilities mo bilang isang part ng organization.

Bilib din ako sa mga taong sumasali riyan lalo na ang mga officers dahil nababalanse nila ang mga oras nila. Pag-aaral, bahay, ang iba pa ay may trabaho sa labas, at ang kanilang duty bilang isang officer.

Nang papasok ako ng classroom ay naririnig ko ang pagkakagulo ng mga kaklase ko.

"Lori! Kanina pa kita hinahanap," sabi ni Jayen na kaklase ko.

Kumapit siya sa braso ko at dinala ako malapit sa teacher's table. "Tadaa!" masigla niyang sabi at ipinakita sa 'kin ang papers na nasa mesa.

Binasa ko naman kaagad 'yon.

BS in Animation, inviting to a call for submission.

We need to have a logo for our event next month, with a theme of; Building the learner's creativity

The chosen logo will guarantee a money prize.

Final winner: 5k
1st winner: 3k
2nd winner: 2k

Grabe, ang dami naman nilang budget! Alam kong hindi sapat ang ganiyang prize para sa isang animator dahil mahirap gumawa ng isang artwork. Pero naiintindihan ko naman dahil for school purposes naman at hindi naman siya permanently gagamitin. At walang budget ang school for that.

"Sali tayo! Sayang 'yong prize. Pang-mix and match din 'yan sa Jollibee," aniya sabay tawa pa niya.

"Sige. Pakibigay na lang sa 'kin ng registration form," walang gana kong sabi sa kaniya.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon