Chapter 21

8.1K 192 9
                                    

Lorelei POV

Nagising ako dahil sa mga halik na nararamdaman ko sa may pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Josef na pinupogpog ng halik ang pisngi ko.

“Good morning, babe,” bati niya.

Ngumiti ako. “Good morning.”

Tamad na tamad talaga ako ngayon dahil anong oras na kami nakatulog ni Sef. Inabot ba naman kami ng 5 am! Napatingin ako sa orasan at alas-dies na ng umaga!

“Nagugutom na ako,” nakanguso kong sabi sa kaniya.

“May inorder na akong pagkain. Kain na tayo,” aniya at naupo sa may kama.

Dahan-dahan niya akong binangon at hinalikan muli sa labi. Napatawa ako nang ayaw na naman niyang tumigil sa paghalik sa akin.

Marahan ko siyang tinulak. “Kain muna tayo,” sabi ko sa kaniya.

“Kain muna. Ahh, so may mamaya?” nakangisi niyang sagot.

Napairap ako ng pabiro. “Baliw ka. May lakad tayo, ‘di ba?”

“Bukas na lang, babe,” aniya. “Pagod ka, e.”

Tumayo ako at pumunta sa may table na malapit sa glass window. Kaagad naman siyang sumunod sa akin.

“Sus. Kung nandito tayo buong araw baka lalo lang akong mapagod. Kilala na kita, Sef.”

“Hindi naman, ah. Promise you need sleep. Saka bukas pupunta tayo nang maaga sa Jungfraujoch, Interlaken.”

“Ano meron doon?” tanong ko habang naghahanda ng plato ko at ng kaniya.

“Doon ‘yong sikat na mountain na nababalutan ng snow. Tapos habang papunta roon ay makikita natin ‘yong field na malawak na may magandang mountain view.”

Napatingin ako sa kaniya. “Talaga?”

Tumango siya. “Hmm... Kaya need natin maghanda ng damit. Kasi doon naman tayo magbobook ng hotel.”

Tumingin ako sa kaniya. “I love you!”

“I love you more.”

Pagkatapos naming kumain ay parehas na rin kaming naligo at siyempre hindi mawawala ang kaharutan niyang asawa ko. Simula no’ng kinasal kami ay sobra rin ang pag-aalaga niya sa akin. Baka raw kasi buntis na ako.

Simula no’ng kinasal kami ay doon ako na-realize na masaya rin siguro maging ina. Masarap din siguro magkaroon ng anak na inaalagaan habang binibigkas ang pangalan mo.

“Sef...” I moaned while scratching his back. “Pakisagad,” I told him.

He smiled at me before thrusting harder inside. Napapikit ako at halos manghina ako tuwing ginagawa niya sa akin ‘yan. Kaya talo ako lagi, e. But yeah, I love him being inside me.

Kinabukasan nga ay nagtungo kami sa may Jungfraujoch, Interlaken. Sumakay muna kami ng train papunta sa station ng Interlaken. Habang umaandar ang train ay hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil totoo nga ang sinabi ni Josef na makikita namin ang mga nakikita ko sa videos.

Biglang pumatak ang mga luha ko habang namamangha sa paligid. Parang noon lang ay napapanood ko lang tapos sabi ko pa gusto ko siyang puntahan tapos ngayon, ito na ‘yon.

“Babe, bakit ka umiiyak?” tanong ni Sef. Napatingin ako sa kaniya at napahikbi. Nagulat siya kaya niyakap niya ako.

“K–kasi natutuwa lang ako dahil noon tinitingnan lang natin ‘yong ganito sa videos pero ngayon? Tingnan mo, oh? Ang ganda-ganda... sobra.”

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon