Chapter 28

8.1K 189 1
                                    

Josef POV

Hinihintay ko ang sagot ni Lori. “Kung anak ko nga siya, edi tatanggapin ko...” Tumingin siya kay Nikko. “Pero mukhang hindi naman kasi hindi ko naman kilala ang asawa ko.”

“Ako nga,” sabi ko sa kaniya.

Umirap siya sa akin. “Epal mo talaga. Siguro type mo ako,” aniya.

“Yes.”

Nakita ko kung paano mamula ang kaniyang mga pisngi. “Ewan ko sa ‘yo!”

Hindi na siya nakipagtalo sa akin at nilaro na ang anak naming dalawa. Kahit papaano ay nagiging maayos na rin siya at nakakangiti kahit papaano. Pinapanood ko lang sila habang naglalaro. Nagsasalitan ng tingin sa kanila.

“Baby, halika na at kakain na,” sabi ko kay Nikko. Yumakap siya sa kaniyang ina.

“Mama,” aniya.

Natatawang tumingin sa akin si Lori. “Halah, ayaw na sa ‘yo. Lagot ka. Ako na magpapakain sa kaniya.”

Umiling ako. “Kailangan mo nang magpahinga.”

“Ayos lang naman ako. Neenjoy ko naman ang makipaglaro kay Nikko, e.”

“Sure ka?” tanong ko.

Tumango siya. Pinadala ko na lang kay mama ang pagkain namin at pinuntahan ko na lang din ang nurse para sa pagkain ni Lori.

“Uhh... Salamat pala,” aniya habang kumakain siya.

Nakatulog na si Nikko sa may sofa at hindi naman kalayuan ang kama ni Lori kaya naririnig ko pa rin ang sasabihin niya.

“Ano pala pangalan mo?” tanong niya.

“Josef... Josef Constantino. But you can call me Sef.”

Tumango-tango siya. “Sef... Pamilyar pangalan mo, hindi ko lang maaalala kung saan ko na narinig. Pero salamat, ah. Pasensya na rin kung wala akong maalala.”

Ngumiti ako. “Ayos lang. Basta kailangan mong gumaling.”

“Kailan ako lalabas? Excited na ako sa island trip, e.”

“After two weeks pa.”

Sumubo siya ng kaniyang pagkain bago mapanguso. Halatang nagrereklamo siya pero ayaw niyang iparinig sa akin, kaya napatawa ako.

“Mabilis na lang ‘yon,” sabi ko sa kaniya.

Sa lumipas na araw ay madalas kaming magkakasama pero minsan kapag may trabaho ako ay si mama muna ang bantay ni Lori at kay Nikko.

Na-attach na rin kasi si Lori sa bata at lagi niyang hinahanap. Lagi niyang sinasabi sa akin na ‘wag ko na raw ibalik sa mga magulang. Kung alam niya lang talaga na sa kaniya ang bata ay baka magtatalon-talon siya sa tuwa.

Pagaling na rin nang pagaling ang mga sugat niya pero hindi ang alaala niya. Sinabi nga ng doctor na magiging maayos naman daw ang lahat basta ‘wag lang biglain dahil baka manakit ang kaniyang ulo.

Nasa airport na kami ngayon at handa na rin kaming umalis papunta sa Cielo Island kung saan malayo sa siyudad at alam kong walang internet doon. Malayo kasi talaga siya sa civilization. Pero mabubuhay ka kapag maparaan ka.

“Babye, tita Josie,” paalam ni Lori kay mama. “Babye tito Jordan.”

Kumaway lang sina mama pero naluluha na. Alam kong magiging malungkot sila dahil medyo matagal-tagal kaming mawawala dahil sa paglayo namin. Lalo na kay Nikko na ilang buwan na nilang nakasama at nakilala.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon