Chapter 18

7.3K 179 3
                                    

Lorelei POV

“Galit ka pa rin ba, babe?” tanong sa akin ni Josef ngayon habang nakayakap siya mula sa aking likuran.

Nakapagbihis na ako ng bathrobe at siya naman ay naka-boxer lang.

Matapos ang ilang minuto ay nagising din siya kaagad. Nang magising pa siya ay nagtanong pa kung bakit! Kairita talaga.

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama at kanina niya pa ako kinukulit kung galit ba ako sa kaniya. Nainis lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama man sa kaniya kanina.

Naramdaman ko ang mga labi niyang nasa leeg ko at hinalik-halikan iyon. Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin.

“Matutulog na ako,” sabi ko sa kaniya. Gumapang ako sa kama at pumunta sa kabilang side no’n at tumalikod mula sa kaniya.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay naramdaman ko na kaagad ang braso niyang yumakap sa akin.

“Sorry na. Mahal kita... Sobra. Nagulat lang naman ako, e. Sorry na... Bati na tayo.”

Hindi ko na siya pinansin at hinayaan na lang ang sarili kong matulog dahil antok na antok na rin ako dahil sa ginawa namin kanina.

Kinabukasan ay maaga akong nagising pero ramdam ko pa rin ang mga bisig ni Josef sa akin. Halos matanggalan na ako ng bathrobe dahil sa kalikutan ko ring matulog.

Dahan-dahan kong tinanggal ang mga bisig niya at bumangon. I stretched my arms and yawn for awhile. When I looked at Josef, he’s looking at me.

His eyes full of emotions that I couldn’t name.

“Good morning,” bati niya.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang dahan-dahan siyang tumatayo papalapit sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan sa labi ko.

“Bati na tayo?” malambing niyang tanong sa akin. “I love you.”

I smirked at him and rolled my eyes. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa may bewang ko at dumiretso ako ng banyo. Sumilip ako at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

“Ayaw mo bang sumabay?” mataray kong tanong sa kaniya.

The shock was written on his face. Pero kaagad niyang nabawi iyon dahil mabilis siyang humakbang papunta sa akin.

We collided many times. Halos ayaw na nga niyang lumabas ng kwarto at mag-stay na lang daw kami pero no’ng tanghali na rin kasi iyon ay kinailangan na naming magligpit dahil uuwi na kami.

“Pagod na pagod ka yata, ‘nak. Hindi ka ba nakakatulog sa kwarto n’yo?” tanong ni tita Josie sa akin habang nasa loob kami ng van.

“Uh...” Halos mag-init ang pisngi ko dahil hindi ko alam kung paano ipaliwanag na kung anu-ano ang ginawa namin ng anak nila. “Sadyang antukin lang po talaga ako,” sabi ko.

Napatingin ako kay Josef na nananahimik sa tabi at pinipigilan ang sariling ngumiti. Buti na lang at hindi na ako inenterview pa ni tita!

“Pinagod ‘yan ni Josef, ma,” rinig kong sabi ni ate Jody.

Mas lalong nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya at hindi ko na alam kung ano ang ire-react ko! Nakakahiya naman sa kanila! Gosh!

“Ano naman?” matapang na sagot ni Josef kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Siraulo talaga ng lalaking ‘to!

“Ma, oh ‘yong anak mo. Grabe na, hindi na baby,” pang-aasar ni kuya Jin.

Puro asaran lang ang ginawa nila sa van at ako naman ay natulog na lang talaga dala na ng pagod na ilang oras naming ginawa ni Josef. Ayaw pakalmahin ang sarili!

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon