Chapter 32

7.5K 165 0
                                    

Josef POV

“Sinasabi mo bang ikaw ang ama ng batang dinadala ni Ms. Heather?” tanong ni Atty. Castro.

“Yes,” sagot ni Rei, ang magiging kahinaan ni Heather.

“Ikaw rin ang nagbabanta kay Ms. Heather na papatayin mo siya kapag pinalaglag niya ang bata?”

“Yes.”

Rinig na rinig sa buong korte ang sighapan at bulungan ng mga tao sa loob. Napahinga ako nang maluwag at napaluha dahil alam kong makakalabas na ako. Makikita ko na ang asawa ko.

Mas lumakas ang bulungan ng mga tao nang hatulan si Rei para sa kasong rape at grave threat dahilan sa pagkakulong niya sa loob ng dalawampung-limang taon. Habang si Heather ay hinatulan ng Slander at Estafa; marami kasi siyang na-scam sa film industry at halos ay hinihingi ang pera nila pabalik.

Nang makalabas ako ay tatlong araw akong nagpahinga sa bahay bago hanapin ang asawa ko. Pumunta ako kaagad sa bahay ni papa Harold at nagbabakasakaling nando’n na si Lori.

Ilang beses akong nag-doorbell pero walang sumasagot. “Papa! Lori!” tawag ko ng ilang ulit pero ni isang beses ay walang sumasagot.

“Naku, ijo. No’ng nakaraan pa sila umalis diyan...” Napalingon ako sa nagsalita. Iyong kapitbahay nila.

“Ilang araw na po? Nagbakasyon?”

Umiling siya. “Binenta na nila ang bahay na ‘yan at lumipat na nang matitirhan.”

Napakurap ako nang ilang beses bago ko makaramdam lalo na ang panghihina ko. “Si L–lori po ba nakabalik na?”

Kahit malaman ko na lang na buhay pa siya. Malaman ko lang na okay siya...

“Naku, ayun ang hindi ko alam. Hindi ko pa kasi napansin na umuwi siya diyan, e...” Pinanliitan niya ako ng mga mata. “Ikaw ang asawa ni Lori, hindi ba? Hiwalay na kayo, ‘no? Iyong anak ko dalaga, may isa nga lang anak, pero pag—”

Hindi ko na siya pinansin at inalisan na lang. Wala naman akong pakialam sa sinasabi niya. Mahalaga ang asawa ko at mas gusto ko pang marinig ang boses niya kaysa doon sa babaeng iyon na nirereto pa ang anak niya.

Dumiretso ako sa bahay nina mama at papa. Doon ako nagmukmok nang nagmukmok sa loob ng isang buwan.

“Hindi na siya babalik sa akin, ma,” hagulgol kong sabi at niyakap siya. “A–ayaw na niya sa akin. M–mahal na mahal ko ‘yon, e.” Pinunasan ko ang mga luha ko na parang bata. “Bakit gano’n, ma? Bakit kailangan naming maghiwalay k–kung kailan kasal na kami?”

Naramdaman ko lang ang yakap ni mama at umiyak sa mga balikat niya. “H–hindi ko alam kung okay pa ba siya... Gusto kong malaman kung nasaan siya. Kahit man lang makita ko siya, ma. Kahit man lang sabihin niyang buhay pa siya... Basta, makita ko lang ang a–asawa ko.”

Tuloy-tuloy nang bumagsak ang mga luha ko dahil sobrang mahalaga sa akin si Lori at hindi ko na yata kakayanin kung ilang buwan pa ang lumipas bago ko siya makita ulit.

Pero lintek, umabot ang isang taon ay hindi ko pa rin siya nakikita maging ang pamilya niya. I decided to go back in work but as a photographer. Hindi na ako bumalik sa film industry pero photography, oo. Sa iisang kompanya pa rin ako nagtrabaho dahil mabait talaga sila sa akin. Anytime nga raw ay p’wede akong bumalik as assistant producer.

I got fame because they admiring my photography skills, hindi siya basta-basta kaya minsan nga ay natatawa si Direc dahil mas marami raw ang naghahanap sa akin kaysa sa kaniya.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon