Lorelei POV
Sa ilang araw naming madalas magkasama ni Josef ay nakikilala ko talaga kung sino siya. Natutuwa ako dahil nasa mabuting kamay kami ng anak ko. Alam kong hindi kami pababayaan ni Josef. Pero hindi ko pa ring maiwasang hindi mag-overthink.
“May gagawin ka ba after class, Lorelei?” tanong ni Josef sa ‘kin, kaya napailing naman ako.
“Bakit? Mamaya pa naman ang duty ko, e.”
Sabay kaming kumakain ng lunch at ang last subject ko ngayon ay mamayang pang 2:30. Halos makabisado ko na rin ang schedule niya sa loob ng isang linggo naming pagsasama.
“Ahh gano’n ba? Gusto mo bang sumama mamaya para sa meeting namin sa gaganapin na event next month?”
Inurong niya ang baunan ko ng tubig sa may gilid ng pagkain ko bago siya nagpatuloy sa pagsubo.
“Okay lang ba?” nahihiya kong tanong.
Baka kasi mamaya ay ayaw niya pala talaga akong kasama, inaaya niya lang ako dahil naaawa siya sa ‘kin. Alam ko namang wala akong kaibigan dito sa campus. ‘Yong talagang taong maoopen-up ko.
Dahil nga lumaki akong independent. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na masanay na mag-isa. Kapag nag-stay sila, welcome na welcome naman sila sa buhay ko. But after that, kung ayaw na nila sa ‘kin, hindi ko naman sila pipilitin because I can live in my own life.
Takot din ang karamihan na makipagkaibigan sa ‘kin dahil nga raw lapitin nga ako ng gulo which is hindi naman ako ang may kasalanan.
Mabuti nga ay wala pang naghahamon sa ‘kin ngayon dahil kung meron, hindi ko alam kung paano ko poprotektahan ang batang nasa sinapupunan ko.
Kahit na hindi pa ako handang maging ina, ayaw ko rin naman pabayaan ang bata.
“Oo naman. Alam naman nila na girlfriend kita.”
Mabilis akong tumingin sa kaniya at hindi makapaniwalang napasinghap. “Seryoso ka ba? Bakit ayun pa ang sinabi mo!?”
He shrugged and did the side down smile. “‘Yon lang naisip kong dahilan, e. Nagtatanong kasi bakit lagi tayong magkasama. Sabi ko, normal lang ‘yon dahil girlfriend kita...” Marahan siyang natawa. “No’ng una nga ay hindi pa sila makapaniwala dahil lagi nga kitang sinisita.”
Kinurot ko siya sa tagiliran niya. “Alam mo, ikaw puro ka kalokohan! Dapat sinabi mo na lang na kaibigan.”
Seryoso siyang tumingin sa ‘kin. “May magkaibigan bang nag-s*x at nagbunga pa?” kalmado niyang tanong.
I squinted my eyes at him. “Ganiyan ka pala, President, ah. ‘Yang bibig mo.”
“What? Totoo naman.”
Inirapan ko na lang siya at kumain na lang ulit.
“Susunduin kita mamaya, ah,” bulong niya.
Umiling ako bago lumunok ng pagkain. “‘Wag na. Alam ko naman kung saan ang USSG office. Hindi na ako bata para alalayan pa. Buntis lang ako pero hindi ako baldado,” marahan kong sabi sa kaniya bago siya irapan.
Narinig ko ang marahan niyang pagtawa at tinanggal ang tali ng buhok ko.
“Bakit mo tinanggal?!” inis kong sabi sa kaniya.
“Hide your neck, please,” aniya.
Kinuha ko ang cellphone ko at ginawang salamin ang camera ko. “Hindi naman madumi, ah!”
BINABASA MO ANG
To End the Anguish (Career Series 2) | ✓
RomanceCareer Series 2: COMPLETE Anguish. Suffering. Pain. That's how Lorelei describes her life. As an only child, she has never been experienced enough love from others and just always left behind. Not until, she met Josef, the SSG president, the person...