Chapter 1

15.3K 289 17
                                    

Lorelei Nikki POV

"Ms. Del Rosario. . . Again."

Napatigil ako sa pakikipagsabunutan sa kaaway ko nang marinig ko ang boses na 'yon.

Mabilis kong tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko. Tumawad ako para maitali ko ulit siya nang maayos. Nang matapos ako ay tumingin ako sa sumita sa 'kin.

Siya na naman... Palagi na lang siyang nanghihimasok sa gulo ko, nakakairita siya, sobra! Hindi ko tuloy masugatan ang kaaway ko.

Hinawakan niya ang braso ko at itinabi sa tabi niya. Tumingin siya sa akin. "Ikaw na-naman?" taas kilay niyang tanong.

Inirapan ko siya. "Pakialam mo ba?" mataray kong tanong at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa may braso ko.

Makahawak akala mo naman, close kaming dalawa.

"Two of you, go to the guidance office," maawtoridad niyang sabi.

Biglang umalma ang kaaway ko, "Bakit kasama ako? Siya 'tong nauna!"

Hindi ako makapaniwalang suminghap sa kaniya at tumawa nang nakakaloko.

"Tang*na ka ba? Lakas mo mambaliktad ng kwento, ah! Sino ba'ng unang susugod-sugod dito? Tarantado k-"

"Ms. Del Rosario, watch your words," mariing sabi ng SSG president.

Tumingin ako sa kaniya. "'Wag ka ngang mangialam! Taga-awat ka lang naman."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at hinawakan ako sa braso. Marahan niya akong hinila papunta sa kung saan. Pinipilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya pero hinigpitan niya iyon para hindi ako makaalis.

Luh? Bakit ako lang dinala niya? Dapat kasama 'yong bruhildang 'yon! Kapal ng mukha, ah! Bwesit talaga! Bwesit silang lahat!

Nakarating kami sa may kubo ng university. Pinauna niya akong pinapasok at pinilit akong makaupo.

"Ano na namang gulo ang ginagawa mo?" tanong niya.

" Ewan ko sa 'yo. Bahala ka diyan!" naiirita kong sabi sa kaniya.

Alam niya namang lapitin ako ng gulo, nagtatanong pa siya. Para lang siyang tangang nagtatanong kahit obvious naman ang sagot.

"I'm talking to you nicely, Lorelei."

"Wow, first name basis? Close tayo? Close tayo?" Tumayo ako at tiningala siya. "Saka bakit ako lang kinakausap mo? Hindi lang naman ako ang may kasalanan dito. . ." Sarkastiko akong tumawa. "Wala pala akong kasalanan. Pinrotektahan ko lang sarili ko."

Akmang aalis na ako nang hawakan niya na naman ang braso ko. Iniharap niya ako sa kaniya.

"Sana ito na 'yong last na makikita kitang makipag-away. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo, puro ka na lang sugat. Hindi ka ba naaawa sa parents mo? Nag-aalala sila sa 'yo."

Sinamaan ko siya ng tingin at umirap. "Wala kang alam sa buhay ko, Mr. President. Kaya p'wede ba? 'Wag mo na akong pinapakailaman."

"I'm the SSG president and my role is to maintain the peace in this university."

"Hindi ako ang gumagawa ng gulo. Tandaan mo 'yan."

Mabilis kong kinuha ang bag ko at binangga siya bago lumabas ng kubo.

Ano ba'ng alam niya sa buhay ko? Nag-aalala magulang ko? Wala naman ako no'n...

"Huy, accla! Tara na at may duty pa tayo!" pagtawag ng katrabaho kong si Felly.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon