Chapter 29

7.6K 179 4
                                    

Lorelei POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising pero kahit anong aga ko ay mas nauna pa rin sa akin si Josef. Pagbangon ko ay wala na silang dalawa sa tabi ko kaya napatayo na ako.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko kaagad si Josef na nasa kusina at nagluluto gamit ang mga kahoy.

Samantalang si Nikko naman ay naglalaro ng kaniyang mga kotse. “Mama!” tawag niya nang makita ako at tumayo pa.

Humakbang siya papunta sa akin habang nakangiti. “Hello, baby good morning,” bati ko sa kaniya at kinarga siya.

Humalik ako sa kaniyang pisngi na kinagawian ko na. Dahil tuwang-tuwa siya kapag ginagawa ko iyon.

Napatingin ako kay Josef na abala sa pagluluto mukhang hindi ako napansin. Nang mapalingon siya sa p’westo namin ay napangiti siya.

“Good morning,” bati niya kaagad.

Ngumiti lang din siya sa akin. “Good morning.”

“Mowning!” sigaw ni Nikko kaya parehas kaming napatingin ni Josef sa kaniya.

Niyakap ko nang paulit-ulit si Nikko. “Wow, new word ang baby. Ang cutie cutie.”

“Mowning, mowning,” ulit niyang sambit habang nakangisi.

Kaagad na lumapit sa amin si Josef. “Natututo na ang baby ko...” Napangiti ako lalo. “Sabihin mo nga, ganda ni mama ko.”

Natawa ako dahil sa sinabi ni Josef. Pero nakatingin pa rin kay Nikko. “Ganda... mama... ko!” sigaw niya.

Halos magsigawan na kami sa loob ng bahay dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman naming dalawa ni Josef. Para talaga kaming tunay na mag-asawa na nagiging saksi sa paglaki ng anak namin.

Hinalik-halikan ko ang pisngi ni Nikko at siya namang pagtawa niya palagi.

Sa ilang linggo ko na silang kasama ay parang ayaw ko nang iwan nila ako. Iniisip ko pa lang ang posibilidad na baka aalis din sila ay parang dinudurog na ang puso ko. Pero sana ay hindi na dumating ang araw na ‘yon. Sana ako na lang palagi nilang kasama.

“Babe, inaya ako ng asawa ni ate Minerva na kumuha ng saging sa puno nila. Kuhaan kita, ah?” sabi ni Josef sa akin.

Nasasanay na akong tawagin niya akong ‘babe’ ang saya kasi sa pakiramdam at ang lambing-lambing kapag sinasabi niya ang mga katagang iyon kaya hindi ko maiwasang hindi kiligin.

“Kaya mo bang umakyat ng puno?” tanong ko sa kaniya habang naglalaba ako.

“Oo naman. Kayang-kaya para sa ‘yo!” aniya na ikinatawa ko.

Hinagisan ko siya ng bula na siyang kasing bilis niyang lumayo. No’ng nakaraan pa kasi ako nagke-crave sa saging kaya hindi ko rin maiwasang hindi ma-excite kapag nakakuha na siya.

“Si Nikko pala?” tanong ko.

“Tulog pa...” Nagpiga na siya dahil nagbabanlaw rin siya. “Mamaya ay sisilip na lang iyon diyan sa pintuan.”

“Tingnan-tingnan mo rin at baka mamaya ay lamukin ang isang ‘yon. Mahirap na at magkasakit pa. Dito pa naman ay malayo ang hospital kaya hangga’t maaari ay iwasan nating magkasakit si—” Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong nakatitig sa akin si Josef. “Oh, bakit?”

Ngumiti siya. “Nag-aalala ka na sa kaniya. Akala ko ba... Ayaw mo sa bata?”

“Kapag si Nikko ang usapan, iba na ‘yon. Hindi ko alam basta may kakaiba sa batang iyon. Sana kapag bumalik na tayo sa siyudad, ‘wag mo muna siyang ibalik sa parents niya, ah. Masakit sa puso iyon...” Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. “Ayoko ng gano’n. Nasanay na akong nandiyan siya. Nasanay na akong may inaalagaang bata kaya sana ‘wag mo siyang ilayo sa akin.”

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon