Chapter 8

7.9K 228 19
                                    

Lorelei POV

Hindi ako makakain nang maayos dahil nakatitig sa ‘kin si Josef na akala mo’y namamangha sa kaniyang nakikita. Nababaliw na yata talaga siya!

“Bakit ganiyan ka makatingin? Hindi ako makakain nang maayos,” puna ko sa kaniya.

Tumikhim naman siya at umayos nang pagkakaupo. “Wala lang. Na-miss kita, na-miss mo ba ako?” tanong niya.

Natigilan ako sa sinabi niyang ‘yon at hindi makapaniwala. Natigilan pa ako sa pagkagat sa burger dahil doon! Ang bold niya magsalita! Wala man lang preno-preno!

“Hindi. Saka sinabi ko naman na sa ‘yo ‘yong tungkol sa atin noon, ‘di ba?”

Tumango siya. “But it doesn’t change anything, Lori. Hindi naman naapektuhan no’n ang ano...”

Bigla kong naramdaman ang kakaibang kiliti sa sistema ko habang hinihintay ang sagot niya. Nakatitig lang siya sa ‘kin na akala mo’y nakakakita ng isang magandang bagay.

Natagalan siya bago sumagot. “Ang ano?” tanong ko.

Ngumiti siya sa ‘kin at umiling. “Kain na.”

Para akong nanlumo bigla sa naging reaksyon niyang ‘yon at napanguso na lang. Kumagat lang ako sa burger at nag-iwas ng tingin mula sa kaniya.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nang maubos ko ang burger ay tumayo ako.

“Salamat sa meryenda. Kukunin ko na ‘yong registration form para mabigay ko na sa mga kaklase ko. Saka... May trabaho pa ako,” sabi ko.

Nag-angat siya ng tingin bago tumayo at lumapit sa isang cabinet na nasa gilid. May inilabas siyang papel doon at nagbilang.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi naman makakaila na malakas talaga ang appeal nitong si Josef. Bukod sa mahitsura, malakas ang dating at maaasahan mo pa talaga.

Mas nakaka-attract nga iyong mga mata niya lalo na kapag seryoso siya. Mukha kasi siyang asong naul*l kapag nakangiti hmp! Mas sanay akong seryoso ang mukha niya kaysa sa palaging nakangiti!

Kilala naman talaga siya bilang seryosong tao, pero kapag nasa paligid niya ‘yong mga taong malalapit sa kaniya ay lumalabas ang tunay niyang ngiti. Hindi pilit.

“Bakit ganiyan ka makatingin?” pangaggaya niya sa sinabi ko kanina, kaya napairap na lang ako.

Ngumisi lang siya sa ‘kin at inabot na ang registration form. “Kuhain mo na rin ‘yong spaghetti saka coke. Sa ‘yo naman lahat ‘yan.”

“Weh?” paninigurado ko. “Baka naaawa ka lang sa ‘kin. ‘Wag kang mag-alala kaya ko na sarili k—”

“Kunin mo na. Ang daming sinasabi,” pagsusungit niya.

Para talaga siyang babae! Ang bilis magbago ng mood! Wala pang 5 mins. ‘yon, ah! Kakaiba talaga!

Kinuha ko na lang dahil para siyang dragon, e. “Salamat dito,” sabi ko at lumabas na ng lounge area nila.

Nakita ko kaagad ang mga officers na nagmemeryenda. Nag-aasaran sila lalo nang makita ako.

“Behave na. Magagalit si President,” sabi no’ng isang lalaki.

“Una na ako,” paalam ko sa kanila.

“Babye!” sabay-sabay nilang bati.

Mabilis akong dumaan sa pwesto nila at lumabas na rin ng opisina. Mabilis akong dumiretso sa kabilang building kung nasaan ang mga kaklase ko.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon