Chapter 6

7.7K 203 5
                                    

Lorelei POV

Nakatulala lang ako habang pinoproseso ang sinabi ng doctor.

Walang bata... Walang baby... Walang nabuo. Iyon ang tumatak sa isip ko. Hindi ko alam kung ano papaniwalaan ko. Paano ko sasabihin kay Josef lahat ng ‘to?

Hirap na hirap akong napaupo sa tapat ng bahay namin nang mapadaan si Yeimy kasama ang lalaking nagpahiram ng jacket sa ‘kin kanina.

Patakbong lumapit sa ‘kin si Yeimy. “Ga, ano nangyari?” mahinahon niyang tanong, pero bakas ang pagkataranta kahit kaunti.

“‘Yong baby ko, Yeimy... A–ayoko siyang m–mawala. Please, t–tulungan mo ako,” nagmamakaawa kong sabi sa kaniya at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

Hindi ko na alam kung ano’ng nangyari basta ang naalala ko na lang ay tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising na lang ako sa emergency area. Napahinga ako nang maluwag nang wala akong makitang swero, ibig sabihin ay walang masamang nangyari sa baby ko.

Bumukas ang kurtina at pumasok ang isang doctor, may hawak siyang clipboard.

“Kumusta ang baby ko, Doc?”

Iyon ang unang tanong na lumabas sa bibig ko. Kalmado siyang tumingin sa ‘kin at nginitian ako.

“Wala kang baby, ija,” aniya na nakapagpakunot sa noo ko.

“Ano po’ng ibig n’yong sabihin?” tanong ko.

“We run pregnancy test at ang lumabas na resulta ay negative. Nasabi kasi sa ‘kin no’ng kasama mo kanina na panay banggit mo sa bata. Wala ka pang baby,” aniya.

Hindi ko alam ang nangyayari. Naguguluhan ako sa sinasabi niya!

“Wala akong maintindihan, Doc. Nag-pt ako at positive ang lumabas. T–tapos kanina, namilipit ang puson ko sa sakit sa hindi ko malamang dahilan.”

She smiled at me. “There are various reasons kung bakit mo na-experience ang false-positive pregnancy. And ‘yong kanina... You’re going to have your menstruation. Meron talagang mga kakabaihan na sumasakit ng sobra ang puson bago ang kanilang dalaw.”

“So, wala talaga akong batang dinadala?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

“Walang bata, walang baby at walang nabuo, ija. Ayun talaga ang lumabas sa results namin. Makikita naman namin kaagad iyon kung meron man, pero wala talaga.”

“S–salamat po.”

“Maiwan na kita. Makakauwi ka na rin kung gusto mo. Anyway, you don’t need to pay your bills. Nataranta ka lang kanina kaya ka sinugod dito, but don’t worry, I got your expenses.”

“T–thank you po.”

Ngumiti lang siya sa ‘kin at iniwan na ako. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Paano ko sasabihin kay Josef at sa pamilya niya na wala naman talaga akong batang dinadala? What if... Kamuhian din nila ako? Kasalanan kong hindi ako kaagad nagpa-check up at nagpaniwala sa PT... na hindi naman pala accurate ‘yong nabili ko.

Dahan-dahan kong inabot ang bag ko na nasa side table. Kinuha ko roon ang cellphone ko at nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Nakita ko ang message ni Josef.

Kaka-recieve ko lang ng message.

from: Josef
Nasaan ka?

to: Josef
Nagpapahangin lang

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon