𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 8

499 12 0
                                    

[Unedited]

KIKITAIN ni Anton ang kaniyang investigator. Matagal niya ng pinapahanap ang babaeng matagal niya ng gustong makasama, desperado na siyang makita ito dahil ito ang ka una-unahang babae na nagmahal sa kaniya ng buong-buo na walang hinihinggi na kapalit. Pagmamahal na hindi matutumbasan ng kahit na sino.

Malayo pa lang siya ay na aninag niya ang tatlong lalaki na may hawak-hawak ang pamilyar na babae, kinikilala niya ang mga ito ngunit hindi niya malaman kung sino. Nilukob siya ng matinding kaba ng makilala ang sasakyan ni Carry. Kaagad niyang itinabi ang kaniyang sasakyan sa hindi kalayuan sa mga ito ng makita niyang si Carry nga ang pinakakagulohan ng mga lalaki. Walang ingay na dinampot niya ang lalaking na ka patong dito at pinagsusuntok niya.

“Paki-alamero ka ah!” Sambit ng isang lalaki at bumunot ito ng balisong. Sumugod ng suntok ang lalaking sinuntok niya kasabay ang lalaking may hawak kay Carry. Hinilagan niya ang suntok at kaagad na sinipa ng lalaking sumugod sa kaniya. Tinapunan niya ng tingin si Carry, nakita niya itong walang malay at may dugong lumalabas sa kaniyang bibig.

Damn!

Sinipa niya ang lalaking muling sumugod sa kaniya naglabas ito ng balisong, dinadamba siya nito ng saksak ngunit masyado siyang mabilis para mahilagan ang bawat galaw na ginawa nito. Sumugod pa ang dalawa na akmang sasaksakin siya ng sinalubong niya ito ng malakas na sipa at tinapik ang kamay ng lalaking may hawak ng balisong dahilan para lumipad ito paitaas. Bumulagta ang dalawang lalaki na sinipa niya habang siya naman ay balanse ang katawan na nakatukod ang kamay sa semento at ang isang paa niya ay naka baluktot habang ang isa naman ay nakaluhod sa semento.

Kaagad niyang na hilagan ang sipa ng kalaban at hinila ang paa nito kung saan babagsak ang balisong na bumanagsak.

“Ahhh!” Sigaw ng lalaki sa sakit ng tumarak sa kaniyang hita ang sariling balisong.

“May tatlong segundo kayo para iligtas ang mga sarili niyo!” Sigaw ni Anton. Nagmamadaling bumangon ang mga lalaking sinipa niya at timulungan ang lalaking may saksak ng balisong sa hita. Nagmamadali itong sumakay sa sasakyan at pinakatitigan ni Anton ang plate number ng sasakyan nito.

Nakaramdam siya ng pagod sa pakikipaglaban ngunit balewala iyon sa kaniya. Nagmamadaling nilapitan niya ang dalaga na walang malay na nakahiga sa damuhan.

“Hey! Carry, Carry! Wake up!” Marahan niyang inalog hindi ito na gising. Dinukot niya ang kaniyang cellphone sa bulsa para tawagan ang kaibigan ngunit walang signal ang kaniyang cellphone.

“Damn!” Hinubad niya ang kaniyang suot na jacket at itinakip sa katawan ng dalaga bago ito binuhat papasok sa kaniyang sasakyan, dahan-dahan niya itong inihiga sa kaniyang backseat bago mabilis na nilisan ang Lugar at dinala sa pinakamalapit na hospital.

Kaagad naman siyang nakarating sa hospital, may nurse naman na sumalubong sa kaniya na may dalang stretcher at kaagad niyang pinahiga doon ang walang malay na dalaga.

“Hangang dito na lang po kayo sir.” Napahilamos siya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman ng makita ang ka lagayan ng dalaga. Ilang linggo niya pa lang itong nakikilala, at ilang araw niya pa lang itong na kakasama pero ang gaan ng pakiramdam niya, kakaiba ang nararamdaman niya dito na para bang may kung ano sa dibdib niya na dapat niyang matuklasan o gawin. Naalala niya bigla si Zael kailangan nitong malaman ang nangyari sa asawa.

Sa kabilang banda naman ay naglilipit si Zael ng kaniyang mga papel, late na siya para sa date nilang mag-asawa hindi niya rin na sagot ang tawag nito dahil na iwan niya ang kaniyang phone ng magpatawag siya ng meeting kasama ang mga head ng bawat department. Iniisip niyang nag-tatampo na ito sa kaniya dahil ilang beses niya itong tinawagan ngunit hindi nito sinasagot ang kaniyang tawag.

Marriage To Mr CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon