𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 32

550 7 0
                                    

[Unedited]

“DADO! DADO!” Dalawang pares na maliliit na palad ang tumatapik sa pisngi ni Kant.

Naramdaman niya rin ang mabigat na bagay sa kaniyang likuran kaya napamulat siya ng mata. Kinusot-kusot niya ang kaniyang mata ng bumungad sa kaniya ang nakabungisngis na batang babae na kamukha ni Carry.

“Prime won!” She raised her little hand while grinning to her twin-brother na naka-sakay sa likod ni Kant habang hinampas nito ang likod niya.

Nilingon niya ang batang lalaki na nakasuot ng cowboy hat.

“Primo great cowboy! Heya!” Muli siyang hinampas sa likod na para bang siya ang kabayo nito.

“Good morning, Dado!” Malambing na bati sa kaniya ni Prime habang nakangiti. Ginulo niya ang buhok ng bata.

“Hey, little girl. Help me get to get up!” Kinindatan niya si Prime. Nakangisi naman itong tumingin sa kakambal at sinungaban ito dahilan para bumagsak ang dalawa sa kama.

Umupo si Kant sa kama at pinagmasdan ang dalawa na nagrarambulan sa kama. Imbes na awatin ang dalawa ay pinagsabong niya pa.

“Go! Go Primero!” He cheers Prime. Kung umakto kasi ito parang hindi babae, kaya binigyan niya ito ng tunog sigang pangalan.

“Go! Go—” Bumukas ang pinto at isang tsinelas ang lumanding sa mukha ni Kant dahilan para mapatigil ang dalawa sa pagrambulan.

Sumiksik ang dalawa sa gilid ng makita ang masamang tingin ni Angel kay Kant. Napalunok naman si Kant ng makita ang mata nitong pinapatay siya.

“Pinag-aaway mo na naman ang dalawa! Anong klaseng Ninong ka ba?!” Gigil na sambit ni Angel at hinablot ang tenga ni Kant at pininggot ito.

“Aw, aw! Honey babes! Masakit... A-aw!”

“Masasaktan ka talaga! I told you to teach them love each other not to make them fight!”

“I didn't do anything! I just ask Prime to help me to get up, right baby?”

“Y-yes, po. We're playing po!”

“No worries po!”

Nagyakapan ang kambal na ikinangisi ni Kant. “See? They're not fighting!” He look at them.

“Kailangan nilang matuto kung paano lumaban, lalo na si Prime. Ayaw kung matulad siya sa kaibigan ko na hangang dulo dehado...” Naglakad papasok ng banyo si Kant at nagmumog sumunod sa kaniya si Angel.

“Narinig kitang pinagch-cheer si Prime! Hindi ganiyan ang pagturo sa bata, Kant! Magkapatid sila dapat nagmamahalan sila, hindi iyong nagkakasakitan sila.” Binatukan ni Angel si Kant.

“Ang brutal mo naman, Honey babes!” Reklamo ni Kant.

Inirapan siya ni Angel. “Anong oras na, ah? Walang balak bumangon? Don't forget your promise to them!” Asar na sambit ni Angel.

“Shh. Sermon ka na naman, oy! Pa salamat ka napag-titiyagaan kita.” Inirapan ni Kant si Angel at iniwan ito sa loob ng banyo.

Nagpalit ng damit si Kant at niyaya niya ang kambal na kakain sila sa labas. Napipikon na siya kay Angel na walang ginawa kundi ang bungangaan siya ng bungangaan mula ng magkasama sila sa isang bubong na wala namang sila.

“Sino ba siya sa inaakala niya. Tss!” He ask himself when she close the door of the backseat where the twins are.

“Dado, are you mad with us?” Tumingin siya sa rear view mirror at nakita niya ang nakabusangot na mukha ng kambal.

Marriage To Mr CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon