[Unedited]
KASALUKUYANG naghihintay si Carry kay Anton sa isang mamahaling restaurant kung saan ito nagpa-book ng dinner date nila. Masaya dahil pinayagan siya ni Zael na makipagkita sa kaibigan nito. Akala niya ay mahihirapan siyang kumbinsihin ito at baka mauwi pa sa away pero nagkamali siya pagkarating nila sa kanilang bahay ito mismo ang nagsabi na pwede niyang kitain si Anton at ito pa mismo ang naghatid sa kaniya kung saan sila magkikita. She's happy to personally thank Anton and also she's happy having an understanding husband.
Ilang minuto na siyang nakaupo sa table nila. Balak niya na sanang tawagan si Anton ng makita niya itong pumasok sa entrance ng restaurant. She smile as their eyes meet.
Naglakad papalapit sa kaniya si Anton. Nakasuot ito ng white long sleeve at bukas ang tatlong magkasunod na butones, nakatupi ang mangas nito hangang sa may siko. Bumungad rin sa kaniya ang matipuno nitong dibdib na sumisilip sa nakabukas nitong long sleeve. Maging ang ugat nito sa kamay ay hindi nakawala sa kaniyang paningin. Sabayan pa ng gwapo nitong mukha.
She find him really hot but Zael more than hot on him.
“Hi, pinaghintay ba kita ng matagal?” Tanong nito ng makatayo sa harapan niya. Nginitian niya ito bago umiling.
“Hindi naman, upo ka.” Napakamot sa batok si Anton bago nag-angat sa kaniya ng tingin na may ngiti sa labi.
Naupo ito at tinawag ang waiter. Mabilis namang nakarating ang order nila dahil nagpa reserve na ng pagkain si Anton para sa kanilang dalawa. Tahimik silang kumakain. Padami ng padami ang tao sa restaurant kaya hindi maiwasang walang makakilala kay Anton dahil sikat ang restaurant na pinagkainan nila na paboritong Lugar ng mga negosyante at mga artista.
Tumikhim si Anton. “How’s the food?” Pinunasan niya ang gilid ng kaniyang labi, “They have a good recipe, I like the food.” Tumango si Anton. “That’s good to hear.”
Masyadong awkward ang atmosphere para sa kanilang dalawa. Bago pa sila matapos kumain gusto niya ng sabihin sa binata ang pakay niya kung bakit siya nakipagkita dito.
“Anyway Anton. Thank you for saving me, I owe you a lot.” Nagakatinginan sila ni Anton ng ilang saglit. Napansin niya na may pagkakapareho ang kanilang mata. Wala silang connection sa isa’t-isa kaya inisip niyang nagkataon lang na pareho sila.
“Actually Carry, It doesn't matter. You don't owe me, feel likes it's my job to save you? I don't know but...” Kumunot ang noo niya ng makita ang kuryusidad sa mata ng binata.
“When I first saw you, I feel strange towards you. I don't understand what's in my heart and feel towards you. I know in myself that I never saw you but something inside me want to know you more, I want to take care of you and keep you safe.” Kinabahan siya ng marinig ang sinabi nito.
Hindi siya nito maaring magustuhan dahil asawa siya ng kaibigan nito. Gusto niyang ipaalala iyon sa binata. Wala siyang balak na saktan ito at mas lalong wala siyang balak na sirain ang tiwala na ibinigay sa kaniya ng kaniyang asawa. She love her husband so much!
“A-anton, anong pinagsasabi mo?” May bakas ng kaba sa boses niya. Sandaling natigilan si Anton at bumuga ng marahas na hininga.
“Don’t mind it. Damn,” Uminom ito ng tubig. “Let just say, I treat you as my little sister. Nothing more and nothing less. If you need something don't hesitate to call me,” Nakangiting sambit nito.
Iyon naman pala ang ibig sabihin ng binata ngunit kinabahan siya sa maari nitong sabihin kanina. Ngumiti siya kay Anton. “Siguro ang bait mong kapatid, paniguradong pinagmamalaki ka ng parents mo.”
Mapaklang ngumiti ang binata. “No.” She pouted. “Bakit hindi?” Nagtagpo ang mata nila.
“I don't have a Mom nor siblings. I grow up with Dad, dad is very dominant person. He expect to much on me. Kaya kung ano man ang mayroon ako at kung ano man ang katayuan ko sa buhay hindi pa rin iyon sapat para sa kaniya.” Nakaramdam siya ng awa sa binata.
BINABASA MO ANG
Marriage To Mr CEO [COMPLETED]
Любовные романы‼️‼️ WARNING‼️‼️ 🔞THIS IS MATURE CONTENT.🔞 🧐READ AT YOUR OWN RISK.🧐