[Unedited]
ILANG ARAW na ang nakalipas na palaging maagang pumapasok sa opisina si Carry, madalas kasi siyang magising ng madaling araw na nagsusuka daig niya pa ang naka-inom ng alak. Umaalis siyang tulog na tulog pa ang asawa dahil may hang over ito. Sa gabi naman ay napadalas ang pag-uwi ni Zael ng madaling araw at palaging lasing, minsan ay hindi niya na mamalayan ang pagdating nito pero minsan ay nadadatnan siya nitong kumakain ng midnight craving niya. Malamig ang pakitungo nila sa isa't-isa, hindi na katulad ng dati. Wala na silang communication sa isa't-isa ni hindi na nito magawang mag text o tumawag sa kaniya. Palagi na rin silang hindi sabay kumain.
Napatingin siya sa pambisig na relo. “Lunch na pala, kain tayo sa labas?” Alok niya kay Avril na ikinalawak ng ngiti nito.
“Libre mo?” Tumango siya kay Avril. “May bagong bukas na maliit na kainan diyan sa kanto, sa tingin ko masarap ang pagkain try natin?” Dagdag pa nito.
“Sige.” Sabay silang naglakad palabas ng boutique. Sumakay sila sa kaniyang sasakyan at pinasibad ito patungo sa direction na ibinigay sa kaniya ni Avril.
Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang kainin, kung titingan ay maliit lang ito at mukhang simple lang. Hindi mo ito matatawag na karinderya dahil mas malaki pa naman ito.
“Teka, kumakain ka ba sa ganitong Lugar?” Biglang tanong ni Avril ng papasok sila sa isang sa kainan.
“Oo naman, anong akala mo sa akin?” Ayaw niyang itinuturing siya na para bang napakataas niyang tao. Oo, guminhawa ang buhay niya pero hindi ibig sabihin no’n na nakalimutan niya na ang pinagmulan niya.
Karinderya lang kaya ang kaya ng Mama niya sa tuwing lalabas silang mag-ina. Kaya sanay siya sa mga ganitong kainan tapos egg-silog o kaya Lomi ang kinakain nila ng Mama niya masayang-masaya na siya.
Umismid si Avril. “Akala ko pang mamayamanin na pagkain na lang ang tinatanggap ng tiyan mo.” Binuntunan nito ng mahinang tawa.
“Sira ka talaga.” Binuksan niya na ang pinto at pumasok na sila sa loob.
Maraming tao kaya wala siyang makitang mabakanteng upuan. Halos lahat ng tao ay nagsisimula pa lang kumain kaya wala na silang table na mauukupa. Pinagtitinginan sila ng mga taong kumakain dahil siguro sa ayos at pananamit nilang dalawa na hindi bagay sa ganitong Lugar. Halos lahat ng kumakain ay mga simpleng tao.
“Mga Ma'am, kakain kayo?” Salubong sa kanila ng isang ginang. “Opo sana, kaso wala ng bakante.” Sagot ni Avril.
Nagpunas-punas ito sa apron na suot. “Walang problema! May bakanteng mesa sa likod, tara!” Sumunod sila sa ginang. Akala ni Carry ay isang maliit at simpleng kainan lang ito pero napakalaki nito na para bang isang restaurant na rin ang lawak.
“Maganda dito mga Ma'am kasi kitang-kita ang isang building sa kabila.” Itinuro nito ang pader na gawa sa salamin. Akalain mo iyon na kitang-kita ang high way sa kinaruruonan maging ang building na kaharap nito. Sa isang maliit na iskinita ang entrance pwede naman na dito na lang sa tapat!
“Ano pong masarap na putahe niyo dito?” Biglang tanong ni Avril ng maka-upo na sila sa upuan na gawa sa kahoy sa harap ng mesa na gawa rin sa kahoy.
“Bulalo at Adidas ang binabalik-balikan dito, gusto niyong subukan?” Nakangiting sambit ng Ginang.
Nagkatinginan sila ni Avril at tumango siya dito. Gusto niyang tikman ito kaya okay lang sa kaniya na kumain ng chicken feet.
“Sige po, subukan namin ‘yan, dalawang kanin at coke din po.” Tumingin siya kay Avril. “May gusto ka pa?" Umiling si Avril. “Pwede rin pong makahingi ng sabaw?” Tumango ang Ginang habang sinusulat ang order nila.
BINABASA MO ANG
Marriage To Mr CEO [COMPLETED]
Romance‼️‼️ WARNING‼️‼️ 🔞THIS IS MATURE CONTENT.🔞 🧐READ AT YOUR OWN RISK.🧐