[Unedited]
“TAMA NA, iuwi mo na ako please...”
Binawi niya ang kamay mula sa asawa at pinag-cross sa dibdib. Isinandal niya ang likod sa likod ng passenger seat habang nakatingin sa labas ng binata.
Ilang beses pa siyang sinubukan na kausapin ni Zael pero hindi niya na ito kinibo pa. He tried to explain but in the end, it seems that she's the one who need to explain herself on him because she spent her night in Romulus Del Sul Mansion. Hangang sa mapilitan itong magmaneho papunta sa kanilang bahay. Kaagad siyang bumaba ng sasakyan ng tumigil ito sa harapan ng kanilang bahay. Tinatawag siya ni Zael pero hindi niya ito pinagka-abalahang pansinin.
Dumiretso siya sa banyo at ini-lock ang pinto ng makapasok siya sa kwarto. Timpla niya ang tubig bago hinayaang mapuno ang bathtub, nilagyan niya ito ng Bubble bath. Hinubad niya ang lahat ng saplot niya sa katawan bago ibinabad sa tubig ang kaniyang katawan. Narinig niya ang ilang beses na pagkatok ni Zael sa pinto ng banyo at pilit na pinabubuksan ang pinto ngunit hindi niya ito pinansin hangang sa kusa na lang itong tumigil.
‘What if I say yes?’
Hindi maalis-alis sa isipan niya ang tugon ni Zael sa tanong niya. Para itong punyal na tumatarak sa puso niya ng paulit-ulit. Walang tigil sa pagpatak ang kaniyang mga luha.
Ang laki ng tiwala niya sa asawa. Mahal niya ito at malaki ang tiwala niya na hindi siya nito magagawang lokohin pero bakit ganu'n na lang ka bilis na magsabi ito? Iniisip niya pa lang na may iba na ito, na dudurog na ang puso niya. Paano pa kaya kung totoong may iba na ito? Isang napakalaking katangahan para sa kaniya ang umiibig ng lalaking mahirap abutin pero nagawa niya pa ring mahalin si Zael, hindi dahil sa kaya nitong ibigay sa kaniya ang lahat-lahat ng bagay na pinapangarap niya kundi ipinaramdam nito sa kaniya na hindi basehan ang estado sa buhay upang mahalin ang isang tao, hindi ang pagiging mayaman o mahirap ang sukatan para magmahal.
Siguro nga mahal niya ako pero nagsasawa na siya.
Ilang oras siyang nakababad sa bathtub. Kung hindi pa siya nilamig ay wala pa sana siyang balak na umalis ng banyo. Nagsuot siya ng bathrobe at nagtungo papunta sa walk-in closet. Nagbihis siya ng isang white off-shoulder blouse at itim na high waisted jeans. Pinarisan niya iyon ng itim na strappy ankle boots with five inches height.
Habang nag-aayos ng sarili ay hindi niya maiwasang titigan ang kaniyang kabuohan sa whole body mirror. She had a perfect body shape, a real definition of sexy. Whitening, smooth and clear skin. Her face is a perfect creation. Minsan nga sumagi sa isip niya na baka may lahi siya dahil sa kakaiba ang figure niya para sa isang natural na pilipina ngunit purong pinay at simple ang Mama niya at isa pa kuhang-kuha niya ang kagandahang taglay nito.
Minsan inisip niya na sana ay isang novela na lang sa kwento ang buhay niya katulad ng mga librong nabasa niya na tinaguan ng anak, namuhay ng simple at tahimik kasama ang Ina ngunit sa likod ng simpleng buhay ay isa pala siyang anak ng bilyonaryo at may organization.
Natatawa siya sa tuwing na aalala niya ang kaniyang pantasya ng siyang bata pa. Paano kung mayaman talaga ang Ama tapos isa itong espanol, pwede-pwede pero malabo! Baka nga tambay lang sa kanto ang Ama niya kaya hindi siya nito pinanagutan dahil hindi nito kaya ang responsibilidad.
Pagkatapos niyang ayusin ang sarili ay kaagad rin siyang lumabas ng walk-in closet bitbit ang bag niya. Papasok siya sa kaniyang trabaho kahit late na mas gusto niyang abalahin ang sarili niya kaysa ang magmokmok sa kwarto at magsayang ng luha.
Wala siyang natagpuan na sa Zael na naghihintay sa kaniya ngunit isang kaperasong papel ang nakita niya na nakadikit sa pinto ng kanilang silid. Naglakad siya papunta sa nakasarang pinto at binasa ang nakasulat sa sticky note.
![](https://img.wattpad.com/cover/327542742-288-k31680.jpg)
BINABASA MO ANG
Marriage To Mr CEO [COMPLETED]
Romance‼️‼️ WARNING‼️‼️ 🔞THIS IS MATURE CONTENT.🔞 🧐READ AT YOUR OWN RISK.🧐