[Unedited]
DAY BY DAY, her felt the pain. The sadness and anger is in her heart towards the man who fooled her despite of her to much giving love in the relationship.
Minahal niya ang binata ng buong puso, ibinigay niya ang lahat sa kanilang relasyon maging maayos lang ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. She's giving an effort, to much support and love in every decision he’d made in every event of his life. Pinahalagahan niya ng higit pa sa buhay niya ang pag-iibigan nila dahil akala niya kapag binuhos niya ang lahat ay hindi niya mararansan ang sakit na kaniyang tinatamasa ngayon.
Sobrang sakit pala kapag ‘yong taong mahal na mahal mo ay nagawa kang saktan paulit-ulit. Malaki ang tiwala niya dito dahil alam niyang secure ang relationship nila, matibay ang pagmamahal nila sa isa't-isa, alam niyang hindi sila maiiwasan ang masaktan dahil nakapalibot sa binata ang maraming tukso ngunit hindi niya akalain na magpapadala ito sa init ng damdamin at nagawa siyang lokohin.
Patong-patong na sakit ang nasa kanilang dibdib. Para itong isang mamahaling baso na biglang nabitawan sa mahigpit pagkakahawak dahilan upang mabasag ng pino. Pilit niya mang ayusin at buohin ay hindi niya magawa dahil mas lalo siyang nasasaktan at mas malalim na sugat ang iniwan nito sa kaniya. Ang hirap pahilumin ng sugat sa kaniyang dibdib sa iisipin na ito ng unang lalaki na pinapasok niya sa buhay niya akala niya hangang sa huli ay magkahawak ang kamay nila na haharapin ang mga pagsubok sa buhay ngunit ito siya...
Nag-iisang papanindigan ang responsibilidad sa kanilang anak.
Masakit man ang naging wakas ng pagsasama nila ni Zael pero ni minsan ay hindi niya inisip na tangalin ang bata na sinapupunan niya. Kahit ganu'n man kalaki ang galit niya sa ama ng dinadala niya ay dugo’t laman pa rin niya ito. Kung anuman ang naging kasalanan sa kaniya ng ama nito ay hindi ang bata ang magbabayad sa lahat ng sakit na ibinigay nito sa kaniya.
Aalagaan at ibubuhos niya ang lahat ng pagmamahal sa kaniyang anak at doon sigurado siya na ang pagmamahal na ibibigay niya ay hindi masasayang.
Narinig niya ang katok mula sa pintuan. Napatingin siya dito at bumungad sa kaniya ang kaniyang kapatid na may pag-aalala ang mukha nito sa kaniya.
“Good morning, kuya.” Nakangiting bati niya dito.
“Good morning, lil sis.” Bati rin nito sa kaniya.
Napatingin ito sa pambisig na relo bago siya tiningnan ng puno ng pagtataka. Marahil ay inisip nito kung bakit tanghali niya ay hindi pa rin siya bumangon sa pagkakahilata sa kama. Madaming araw pa lang ay gising na siya dahil sa pagsusuka, pinilit niya ang sarili na matulog pero hindi niya magawa dahil okupado na naman ang isipan niya ng mga bagay-bagay.
Ang hirap ng magbuntis ng walang katuwang. Kapag tinamaan ka ng matinding katamaran ay wala kang magagawa kundi ang kumilos para sa baby mo hindi para sa sarili mo dahil walang paa ang pagkain upang lumapit sa kaniya.
“Dumaan ako upang tingnan ka bago ako pumunta sa opisina. Tanghali na bakit hindi ka pa bumaba? Hinihintay ka ni Dad na sumalo sa amin kanina sa almusal pero dahil sa wala ka, umalis na siya ng hindi kumakain.” Nagkibit balikat ito. “Well... As always.”
Itim na long sleeve ang suot nito. Nakatupi hangang siko kaya kitang-kita ang maugat nitong braso na animo’y batak na batak sa trabaho. Itim na maong na pantalon at nakasuot ng isang puting sapatos. He have piercing in his left ear. Nakasuot ito ng mamahaling relo.
In short, he had a hot gorgeous look.
Hindi na siya nagtataka kung madaming nahuhumaling sa binata. Kung hindi niya lang ito kapatid malamang ay nagustuhan niya rin ito dahil sa kabaitan nitong taglay. Such a gentleman and a good person she ever meet.
BINABASA MO ANG
Marriage To Mr CEO [COMPLETED]
Romance‼️‼️ WARNING‼️‼️ 🔞THIS IS MATURE CONTENT.🔞 🧐READ AT YOUR OWN RISK.🧐