𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 4

874 18 0
                                    

[Unedited]

KINUHA ni Zael ang susi ng sasakyan sa kamay ng asawa at sapilitan niya itong isinakay sa passenger seat. Nagpupumiglas ito ngunit hindi na nagawang makalabas ng i-lock niya ang sasakyan habang naglalakad siya patungo sa driver seat. Nagmaneho siya pauwi sa kanilang bahay at doon niya balak kausapin ng masinsinan ang asawa, habang nasa daan ay tahimik itong umiiyak sa tabihan niya wala siyang magawa dahil alam niyang kasalanan niya kung bakit ito umiiyak. Mabilis silang nakarating sa kanilang bahay dahil maluwag na ang daan. Kaagad na bumaba si Carry at dumiretso sa kanilang kwarto at inilock ang pinto.

Napasabunot si Zael sa sariling buhok ng ilang beses siyang kumatok at nakiki-usap sa asawa na pagbuksan siya.

Kakapalit ko pa lang ng doorknob mukhang mapapalitan ko ulit. Buwisit!

Wala siyang ibang choice kundi ang sirain muli ang lock ng pinto ng kanilang silid.

Bumungad sa kaniya ang asawa na nakaupo sa paanan ng kanilang malapad na kama. Nasasaktan siyang makitang nasasaktan si Carry. Hindi niya sinasadyang masaktan ito.

“Hindi mo pa ako sinasagot Zael.” Nag-angat ng tingin sa kaniya ang asawa.

“Zael asawa mo ‘ko sa papel nga lang hindi sa mata ng maraming tao! Sinabi kong mag-enjoy ka kasama ang mga kaibigan mo hindi kasama doon ang mag-enjoy kasama ang babae mo!” Bakas sa boses nito ang hinanakit at matinding galit.

Nilapitan ni Zael ang asawa ng yayakapin niya ito malutong na sampal ang ibinigay sa kaniya at pinagsusuntok siya sa kaniyang dibdib, hinayaan niya lang ang asawa habang sa tumigil ito sa pagsuntok sa kaniyang dibdib. Niyakap ni Zael si Carry ng tumigil ito sa kaniyang ginagawa at humagolhol ng iyak.

“Hush now babe. I'm sorry...” Lumayo sa kaniya ang asawa. “Siya na ba Zael? Sabihin mo! Siya na ba?” Mapaklang ngumiti si Carry.

“Iwan mo na ako kung hindi na ako Zael. Sanay na akong masaktan at mag-isa. She's Katya right? ‘Yong business partner mo? Hm, she's beautiful, halatang mayaman at mataas ang pinag-aaralan. Bagay na bagay kayong dalawa. Walang biro,” Ramdam ni Zael ang sarcastic sa binitawang salita ng asawa.

“Babe, listen –”

“No! Ikaw ang makinig. Hindi tayo bagay sa isa’t-isa Zael. Oo, mahal kita pero hindi iyon sapat para maging karapat-dapat ako sayo. Isa lang akong mahirap na babae na walang ibang alam kundi ang pagiging isang Modelo! Naisip ko rin na baka ako pa ang humila sayo pababa kapag lumabas sa public ang pagiging mag-asawa natin. Nakakahiya kapag nalaman ng lahat ng isang pulubing babae ang pinakasalan ng isang Zael Alvarez.” Nagpanting ang tenga ni Zael ng marinig ang pangmamaliit ng asawa sa kaniyang sarili.

“Arghhh!” Galit na sigaw ni Zael at pinagsusuntok ang pinakamalapit na pader sa kaniya.

Ayaw niya na pinagsasalitaan ng kung sino ang asawa at ang mas lalong kinaayawan niya ang maliitin ni Carry ang sarili. Hindi ganu'n ang tingin niya sa asawa, wala siyang pakialam kung ano ang pinagmulan nito ang mahalaga sa kaniya ay makasama ito dahil mahal niya ang dalaga.

Mahal na mahal.

Napatakip sa bibig si Carry habang umiiyak ng makita ang ginawa ng asawa. Umiiyak na nilapitan niya ito at niyakap, nasasaktan siya ngunit hindi niya kayang makita na sinasaktan nito ang sarili.

“Zael may dugo,” Nakita ni Carry na dumudugo ang dalawang kamay nito dahil sa pagsuntok sa pader ngunit kaagad iyong iniwas ni Zael sa kaniya. Hinawakan ni Zael ang baba ng asawa at dahan-dahang ipinaharap sa kaniyang mukha.

“Walang sinuman ang makakapagsabi kung sino ang karapat-dapat para sa akin, maging ikaw. Ang sarili ko lang ang tanging sinusunod ko walang iba. Kaya kapag sinabi ng puso kung mahal kita, mahal kita! Hindi pwedeng sa tuwing may pinagseselosan ka ibabato mo sa akin ang pang mamaliit mo sa sarili mo. Hindi mo ako kailangang tanungin sa tuwing nasasaktan ka kong mahal pa rin kita dahil hindi nawawala ang pagmamahal ko sayo. Ito na sana ang huling beses na ibabato mo sa akin ang mga salitang ‘yan.” Ginawaran niya ng halik sa labi ang asawa.

Marriage To Mr CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon