𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 18

410 9 0
                                    

[Unedited]

ISANG lalaki ang naka-upo sa swivel chair habang nilalaro ang isang old passion glass na may lamang rum. Dinampot nito sa mesa ang cellphone ng makitang tumawag ang kaniyang tauhan.

“Siguraduhin mong maganda ang ibabalita mo!” Malalim ang boses nito. Bakas ang lamig sa bawat pagsambit ng salita.

[“Nahanap ko boss kung saan ang bahay ni Alvarez. Sa katunayan ka aalis lang ni Alvarez at nag-iisa ang asawa nito sa bahay,” He devilish laughed.

What a good news!

“Magaling...” Binaba niya ang tawag.

Nakangising dinampot niya ang larawan ni Carry. Kuha iyon ng araw na ipakilala ito ni Zael bilang asawa.

Mula ng makita niya ang dalaga ng gabing iyon nabighani siya sa ganda nito. At habang tumatagal ay mas lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Hindi niya maiwasang mahulog dito lalo na kapag nakikita niya ang makinis at maganda nitong katawan. Matinding pagnanasa ang nararamdaman niya sa dalaga lalo pa’t inosente ito at bata pa. Madaming beses na man itong nakuha ni Alvarez gusto niya rin itong matikman.

SA KABILANG banda naman ay nakatulala si Alejandro Portalejo sa habang nasa loob ng library ng kaniyang Mansion.

“Does she's pregnant that time she left?!”

Hindi mawala sa kaniyang isipan ang tanong sa kaniya ni Anton. Possible na buntis ito ng umalis dahil walang gabi na lumilipas na nag-iisa ang kanilang katawan. Maraming beses ang nangyari sa kanila dahil wala silang away na hindi na aayos bago matulog. Ngunit kung buntis ito hindi nito magagawang iwan siya. Mas iisipin nito ang kapakanan ng bata at mananatili ito sa tabi niya ngunit hindi... Hindi ganu’n ang nangyari.

“Interesting... Isn't it?”

Tumango-tango siya ng pumasok sa isipan niya ang boses ng anak. I'm really interested!

He's interested to meet Zael’s wife. Gusto niyang makilala ito at malaman ang buong pagkatao nito dahil kung tama ang hinala ni Anton sa babaeng iyon, hindi nagkakalayo na pinakasalan iyon ni Alvarez para makaganti!

Sa ngayon ay kailangan niya munang masiguro ang tanong sa kaniya ni Anton. Iyon muna ang bagay na pagkakaabalahan niya. Panahon na para muling makita ang babaeng minsan ng iwan sa kaniya at hindi niya ito mapapatawad kung sakaling buntis nga ito ng iwan siya.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang magaling na investigator.

[“Mr. Portalejo, long time ago when we last talked... How are you?”] Tumikhim siya.

Kaibigan niya ito kaya mapagkakatiwalaan niya at alam ang lahat ng tungkol sa buhay niya. It's Leo Lee.

“I want you to do something for me,” Walang alinlangang sagot niya dito.

[“Alam mo namang malaki ang utang na loob ko sayo kaya kung anuman ‘yan walang alinlangan Kong gagawin,”]

“I want you to find my wife.” Natigilan ang ka-usap niya. “Do you hear me?” Pagalit na tanong niya dito.

Tumikhim ang ka-usap niya. [“Siya pa rin ba hangang ngayon? Mahigpit benteng taon na ang nakakalipas bakit bigla mo siyang nais makita? Hindi mo pa rin nakakalimutan o baka naman mahal mo pa?”]

Napasandal siya likod ng swivel chair niya at nagawi ang tingin niya sa picture frame na nakapatong sa kaniyang lamesa. Larawan iyon ng asawa na naka-upo sa kama habang nasa bisig nito si Anton. Ito ang araw na masasabi niyang kompleto na ang buhay niya ng dumating sa kanila si Anton.

Araw na naging ama siya.

“Walang nagbago, hindi nabawasan...” Sumipol ang kaibigan niya sa kabilang linya na para bang teenager na nanunukso.

Marriage To Mr CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon