𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 33

557 9 0
                                    

[Unedited]

NAGLALAKAD si Carry sa ilalim ng malakas na ulan ka sabay ang walang tigil na pagluha ng kaniyang mga mata. Basang-basa na ang kaniyang sarili dahil hindi niya pinagka-abalahan na sumilong ng bumuhos ang malakas ng ulan sa nalaman niya kay Avril ay hindi niya alam kung anong gagawin niya.

A pain and unbelievable truth.

Nanigas si Carry sa kaniyang kinatatayuan ng marinig ang makalas na busena ng sasakyan. Nang mag angat siya ng tingin maliwanag na ilaw ng isang sasakyan ang tumama sa kaniyang mukha at hindi niya na nagawang umiwas pa.

Lumundag ang puso niya at napa-upo siya sa gitna ng kalsada ng huminto ang sasakyan sa tapat niya ilang dangal na lang ang layo nito sa katawan niya. Humikbi siya ng malakas dahil hindi niya akalain na makakaligtas pa siya kamatayan, sa bilis ng takbo ng sasakyan ay hindi siya nito bubuhayin.

Isang pares ng itim na sapatos ang tumigil sa kaniyang harapan. Wala na rin siyang nararamdaman na tumutulong ulan sa katawan niya kahit na sobrang lakas ang ulan. “What do you think your doing, woman?!”

Natigilan siya at bahagyang napa-awang ang kaniyang labi ng marinig ang malamig na baritonong boses ng lalaki. Familiar ang boses nito na para bang ito ang boses na hinahanap-hanap ng kaniyang tenga na marinig.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin hangang sa masilayan niya ang mukha ng binata, may hawak itong payong. Tanging ang ilaw ng sasakyan ang nagsisilbing liwanag kung kaya’t nakita niya ang mukha nito. Mabilis na tumibok ang puso niya ng magtama ang kanilang paningin. Tibok ng puso na hindi niya naramdaman kailanman maging sa kaniyang kasintahan na si Alvin Lee.

Bahagyang nanlaki ang mata ng lalaki at napa-awang ang labi ngunit kaagad namang napalitan ng malamig na emotion ang gulat sa mukha nito.

Ilang beses niyang ipinikit ang mata dahil hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasilayan. Ito ang lalaking palaging laman ng kaniyang panaginip, hindi malinaw ngunit siguro siya na ito ang lalaking palaging nasa panaginip na kasama niya.

Napahawak si Carry sa kaniyang ulo ng maramdaman ang matinding kirot na para bang binibiyak ang kaniyang ulo ng iba’t-ibang pangyayari ang pumasok sa kaniyang isipan na hindi niya maintindihan. Sinabunotan niya ang kaniyang sarili dahil matinding takot ang nararamdaman niya sa kaniyang nakikita.

“Tama na, parang awa niyo na! Get out of head, go away!” Sigaw niya habang malakas na humikbi. Nahilo siya at nandilim ang kaniyang paningin hangang sa mawalan siya ng malay.

“Fuck.” Rinig niyang sambit nito bago pa siya tuluyang mawalan ng malay.

Nagising si Carry ng maramdaman niya ang liwanag na tumatama sa kaniyang mukha. Umupo siya sa kama habang sapo-sapo niya ang kaniyang noo. Masama ang pakiramdam niya, ang bigat ng katawan niya, maging ang kaniyang ulo na sinabayan pa ng sipon.

Inilibot niya ang paningin sa kabuohan ng silid na kinaruruonan ng mapagtanto na hindi ito kama ng Hotel na tinutuluyan niya. Malaking silid ang kinaruruonan niya na para bang master bedroom ito. Natagpuan niya ang isang babae na binubuksan ang kurtina sa bintana, marahil ito ang dahilan kung kaya’t may liwanag na tumama sa mukha niya.

“N-na saan ako?” Tanong niya dahilan para mapatingin sa kaniya ang babae na sa tingin niya ay kasambahay.

“Good morning, Ma'am. Na gising ko po ba kayo?” Bahagya itong yumuko sa kaniya na para bang nagbibigay ng galang.

“H-hindi, ayos lang. Na saan ako?”

“Nasa Malaking Mansion po kayo ng Alvarez na matagal na inangkin ni Romulus Del Sul. Wag kang mag-alala ligtas ka dito...” Napatitig siya sa babae. She looks so familiar on her.

Marriage To Mr CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon