[Unedited]
NADATNAN ni Zael si Carry na nasa veranda ng kanilang silid. Abala ito sa pag-guhit sa kaniyang sketchbook. Pagkatapos niya kaninang magpaliwanag hindi na siya nito kinikibo. Ayaw niyang magsinungaling sa asawa kaya sinabi niya ang totoo na lumabas siya para kitain si Katya.
Naupo siya sa kaharap nito. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Sumandal siya sa upuan at pinakatitigan ito. Ngumiti habang gumuguhit ng isang dress, masasabi niyang maganda ang pagkakagawa, aesthetic.
In her simple movement, she’s really beautiful in his eyes. Wala siyang ibang gusto kundi ang makasama ang babaeng nasa harapan niya ng pang habang buhay. Ang kaligayahan nito ang kaligayahan niya. Lahat ibibigay niya dito upang maging maligaya sa piling niya. Maginhawang buhay na hindi nito naranasan noon. Lahat ng gusto nito ay ibibigay lalo na ang pagmamahal na kahit kailan hindi niya ibinigay sa kung sinumang babae na dumaan sa buhay niya. Pagmamahal na higit pa sa buhay niya. Kaligtasan nito ang palaging nasa isipan niya ngunit hindi niya maipapangako ang mamuhay ng tahimik at malayo sa gulo. Hindi pa sa ngayon ngunit sa tamang panahon.
“Bakit ganiyan ka makatingin?” Nagtatakang tanong ni Carry. “May dumi ba ako sa mukha?” Dagdag pa nito at nagtatakang hinaplos ang sariling mukha.
“Nah.” Inirapan siya ni Carry. “Wala naman pala e, wag mo ‘kong titingnan ng ganiyan.” Ibinalik nito ang attention sa gumuguhit.
“I’m just enjoying the beautiful goddess in front of me. Memorizing every details of her angelic face,” Tinukod ni Carry ang dalawang siko sa mesa at ipinatong ang mukha sa palad.
“Dinadaan mo na naman ako sa ganiyan, Zael, sabihin mo na ang gusto mong sabihin,” Nakangiting sambit ni Carry habang nakatingin sa mga mata niya.
“May sinabi ba ako?”
“Wala!” She defensively answer. “Pero alam kong may sasabihin ka kaya ka ganiyan sa akin,” Dagdag pa nito.
Pinakatitigan niya si Carry, “Do you trust me?” Tanong niya habang walang kurap na nakatingin sa dalaga, ganu’n din sa kaniya. Nakatingin ng deritso sa una ay seryoso ang mukha nito pero sa huli ay ngumiti.
“Hindi nawawala Zael. I trust you a lot. Sinabi ko na naman na sayo noon, may tiwala ako sayo kaya wag kang gagawa ng bagay na makakasira ng tiwalang ibinibigay ko,” Tumango siya. He remember that.
“Galit ka pa ba sa akin?”
“Sinong nagsabi na galit ako sayo?”
“Nothing.”
Carry close her sketchbook before look she look at him again. “Wala ka pa ring sinasabi sa akin tungkol sa pag ambush sa atin, sino ba ang mga ‘yon?” Seryosong tanong nito sa kaniya.
Bakas sa mukha ni Carry ang pag-aalala. “It’s nothing. –” Carry cut’s him off.
“–Nothing? How can you say it just nothing? Zael, may dapat ba akong malaman na ayaw mong sabihin?” Mahinahong tanong nito.
Tungkol doon ay napagkaalaman niyang isa iyon sa mga tauhan ng taong gustong magpabagsak sa kaniya. Sa buhay na mayroon siya hindi niya matukoy kung sino ang kalaban at kakampi. Naging abo ang lahat ng sakay ng Van at ‘yong lalaking nakabaril sa kaniya ay na huli ni Kant at Anton, nanlaman kaya tinuluyan ng dalawa.
“Babe,” Kinuha niya ang kamay ni Carry at hinawakan. “I don’t know who they are but one thing I know it's a business competitors plan, or maybe someone want to get everything from me, look...” He paused.
“It’s better you don't know something, it's for your safety. You don't have to worry, okay?”
“Paano akong hindi mag-aalala? Zael, muntik ka ng mamatay sa ginawa nila. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag na wala ka sa akin, siguro mababaliw ako! Please, mag-iingat ka, take care of yourself for me...”
![](https://img.wattpad.com/cover/327542742-288-k31680.jpg)
BINABASA MO ANG
Marriage To Mr CEO [COMPLETED]
Romance‼️‼️ WARNING‼️‼️ 🔞THIS IS MATURE CONTENT.🔞 🧐READ AT YOUR OWN RISK.🧐