[Unedited]
“MOMMY! Look, it's Barbie!” Turo ni Prime sa mga lobo na may hugis ng kung anu-anong cartoon characters na hawak-hawak ng isang Manong.
“You want that?” Tanong ko. Tumango si Prime at malapad na ngumiti sa akin.
Pareho kung hawak ang kamay nila habang naglalakad kami dito sa Park. Hindi sumama si Zael dahil ayaw niyang pumunta kami sa Park kaya na iwan lang siya sa loob ng sasakyan.
Tumingin ako sa kaliwa ko kung saan nakatayo si Primo na hawak ko ang kamay nito. “Gusto mo rin ba, Anak?”
“No, Daddy buy me 12 box of balloons.” Malamig na tugon ni Primo sa akin. Napa-irap ako ng mapagtanto ko ang balloons na tinutukoy niya walang iba kundi ang condom na madalas nitong paglaruan.
Kahit sumasama si Primo sa akin at nakikipag-usap hindi pa rin maikakaila na may galit pa rin siya sa akin at maging sa mga kilos nito, kitang-kita ko na hindi niya gusto ang mga ginagawa ko sa kaniya pero hindi ko sila susukuan.
Nilapitan namin ang Manong na nagtitinda. Ibinili ko si Prime ng lobong gusto niya kaya tuwang-tuwa ito. Ilang saglit pa kaming naglakad-lakad hangang sa makarating kami sa isang bench.
“Hindi ba kayo na gugutom? Do you want ice cream?” Tanong ko sa kanila ng makita ko ang isang dirty ice cream vendor.
“I’m tired. Wanna go home!” Nagdadabog na umupo si Primo sa bench at tinabihan naman ni Prime. Tuwang-tuwa itong nilalaro ang lobo niya.
“Are you not happy with Mommy?”
“No! I want Daddy!”
Masakit sa akin na marinig ito. Mas gusto nito kay Zael. Kung dati ay galit na galit ito kay Zael, naging bastos ito at umabot sa punto na binabato nito si Zael pero sa huli silang dalawa ni Zael ang magkakampi. Nakikita ko na magkasundo na sila, si Prime naman ay maayos ang pakikitungo nito kay Zael. Alam ko na magiging maayos ang buhay nila kay Zael dahil kitang-kita ko na mas gusto nila kay Zael kaysa sa akin.
Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ko ang dalawang kamay niya. “A-anak...” Pumiyok ang boses ko.
“Ano bang dapat kung gawin mapatawad mo lang si Mommy?”
“No! Nothing! I don't like you! I hate you!”
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko dahil sa sakit na binitawan niyang salita. Mas masakit pala kapag narinig mo ang bagay na iyon mula sa sarili mong anak.
“Ayaw mo bang makasama si Mommy?”
“I don't.” Madiing sambit nito habang nakatingin sa kaniyang mga mata.
“Do you love me, baby?”
“No.”
“Magiging masaya ka ba kapag wala si Mommy sa tabi mo?”
“Yes!”
Pakiramdam ko ay na durog ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hinalikan ko ang maliliit niyang kamay at walang tigil sa pagluha ang mga mata ko. Kamuhian man akong anak ko, hindi ako mawawalan ng pag-asa na darating ang panahon ay mapapatawad niya rin ako.
“Your hurting Mommy! You're bad, kuya. You make Mommy cried.” Lumapit sa akin si Prime at tinuyo niya ang aking pisngi.
“Don’t cry, Mommy...” Maluwa-luwa sambit ni Prime.
Kinuha ko ang kamay niya. Hinalikan ko ang kamay nilang dalawa habang walang tigil sa pagtulo ng luha ko. Mahirap para sa akin ang gagawin ko ngunit sa tingin ko ay ito ang tamang gawin, sa ikakabuti nila at sa ikakatahimik ng lahat.
BINABASA MO ANG
Marriage To Mr CEO [COMPLETED]
Storie d'amore‼️‼️ WARNING‼️‼️ 🔞THIS IS MATURE CONTENT.🔞 🧐READ AT YOUR OWN RISK.🧐