𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 22

388 5 0
                                    

[Unedited]

SA KABILANG banda nasa byahe si Zael patungo sa five star hotel kung saan sila magkikita ng asawa. Na ipit siya sa traffic dahilan para tunawin niya na ng tingin ang mga sasakyan na nasa harapan niya. Kung pwede niya lang paliparin ang sasakyan ginawa niya na makarating lang sa tamang oras.

Nang umusad na ang mga sasakyan ay napatingin siya sa kaniyang cellphone. Michael's name flash on his screen. Sinagot niya ang tawag nito habang nagmamaneho.

[“Hello Boss!”]

“What?”

[“Magkita tayo sa bachelor's bar. Hawak ko na ang information na pinapahanap mo.”] Napatingin siya sa pambisig na relo. It's just 6:02 PM.

“I’m on my way.” He said>

[“Hihintayin kita boss.”] He end up.

Mabilis na inikot niya ang sasakyan patungo sa bachelor's bar. Noong isang linggo niya pa hinihintay ang tawag nito dahil hindi na siya makapag-hintay na malaman kung sino ang Ama ng asawa. He want to surprise his wife in their near anniversary.

Wala pang bente minuto ay nakarating na siya ng bachelor’s bar. Nang papasok siya sa loob ng bar ay tumunog ang cellphone niya at nakita niya ang mensahe ng asawa na papunta na ito sa dinner place nila.

Hindi siya nag-reply dahil alam niya sa sarili niya na darating siya sa tamang oras. Pagkatapos dito ay agad siyang pupunta sa five star hotel.

Pagpasok niya ng bar ay sumalubong sa kaniya ang iba’t-ibang amoy ng alak, usok ng sigarilyo, naghahalong matamis at matapang na amoy ng mga babae’t lalaki. Malakas na sounds at iba’t-ibang klase ng ilaw na patay-sindi. It's been a long time since he came in this kind of place.

Maaga pa naman kaya hindi pa masyadong marami ang tao. Karamihan sa mga nakikita niya ay mga magagandang babae na nakatingin sa kaniya ng pumasok siya sa bar.

Hindi niya pinansin ang mga babae. Nanatili siyang seryoso at walang emotion ang kaniyang mukha habang inililibot ang mata upang hanapin si Michael.
Natagpuan niya itong naka-upo sa isang stool habang may kalandiang babae. Tinaas nito ang kamay ng magtagpo ang mata nilang dalawa. Naglakad siya papalapit dito at ng makarating siya sa tapat nito ay may ibinulong ito sa babae dahilan para umalis ito sa kandungan nito at naglakad papalayo.

“Boss!” Nakangising bati nito sa kaniya.

Tinapunan niya ito ng masamang tingin bago siya na upo sa katabi nitong stool.

“Where it is?” Mabuti na lang at hindi gaano kalakas ang music dahilan para makapag-usap sila ng mahina lang ang boses.

“Ayaw mo ng drink boss?” Umiling siya.

Magkikita sila ni Carry hindi pwede na amoy alak siyang haharap dito.

“Just straight to the point.” Tinanggap niya ang isang stick na inabot sa kaniya ni Michael. Nang maisubo sa bibig ay sininyasan niya si Michael na sindihan at kaagad naman itong kinapa ang lighter. Sindihan nito ang sigarilyo niya.

“I think, finding her father is a great decision but knowing her father is a worse, Boss.” Seryosong sambit ni Michael habang inaabot sa kaniya ang isang brown envelope.

He blow the smoke of cigarette. Magkasalubong ang kilay na tinanggap niya ang envelope dahil sa binitawang salita ni Michael hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng daga sa dibdib. Bakit niya na sasabi ang ganu'ng bagay?

Marahil patay na ang ama nito pero sana naman ay hindi pa upang magkaroon ng panahon ito at si Carry na magkasama kahit sa maikling panahon.

“What do you mean?” Walang emotion niyang tanong dito. Suminyas si Michael na buksan niya ang envelope. Inilagay niya sa ashtray ang sigarilyo bago binuksan ang envelope na hawak niya.

Marriage To Mr CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon