[Unedited]
“K-KUYA...” Humagulhol si Carry ng makita si Anton na nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto ng kaniyang Ina.
Mahinang tumawa si Carry ng makita ang gulat sa mukha ni Anton. Sino ba namang hindi mabibigla kung ang nakilala mong asawa ng kaibigan mo ay tinawag kang kuya? Paano pa kaya kapag nalaman nito ang totoo na magkapatid sila? Matanggap kaya siya nito? Hindi niya nakakalimutan ang sinabi nito tungkol sa Ina kaya alam niyang hindi siya nito matatanggap ng ganu'n kadali.
“A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandidito ako?” Tumayo siya at hinarap ang binata.
Umiling ng bahagya si Anton at gumuhit sa labi nito ang munting ngiti bago inisang hakbang ang palitan nila at dinamba siya ng mahigpit na yakap. Nagulat siya sa ginawa nito kaya nanatili siyang nakatayo na parang poste ngunit mas nagulat siya sa sinabi nito...
“Tahan na, nandito na si Kuya...”
Gumanti siya ng yakap sa binata at umiyak sa dibdib nito. Sa kabila ng sakit na naramdaman niya sa araw na ito may ilang bahagi pa rin ng puso niya na nagdiriwang sa saya ng malaman ang lahat ng totoo sa pagkatao niya, ang makilala ang kaniyang pamilya.
Lumundag ang puso niya sa sinabi nito, hindi niya alam kung paano nito nalaman ang totoo. Impossible naman na sa isang beses niyang pagtawag dito ng kuya ay nakuha na nito ang ibig niyang sabihin. Hindi kaya ito ang nais niyang sabihin sa akin kanina?“Wag ka ng umiyak, uuwi na tayo sa bahay natin, ah? May naghihintay sayo at gusto kang makita’t makilala...” Masuyong sambit ni Anton habang tinutuyo ang luha sa kaniyang pisngi.
“When the first time we meet, I felt strange towards you, you know about it because I told you what I feel towards you in our first ever dinner out. Something like, I need to protect you and care about you... Your special to me in a way I can't explain and this day I discover the reason why...” He look up the ceiling and soft chuckle escape in his lips.
“Because you're my little sister. My biological sister...” Nakangiting dugtong nito.
Napangiti siya sa sinabi nito. Ganu'n rin ang nararamdaman niya par dito ng una silang magkakilala, ang gaan-gaan ng loob niya sa binata kahit hindi niya ito lubusang kilala para bang nagkaroon kaagad ito ng puwang sa puso niya sa hindi malamang dahilan. Bilang magkapatid ay kaagad niyang naramdaman ang pagmamahal at pag-aalaga nito sa kaniya kahit hindi pa nila alam ang tungkol sa kanilang ugnayan ay naging mabuting kapatid na ito sa kaniya ng iligtas siya nito sa piligro.
Tumango siya. Hindi siya nagkamali na ito ang nais nitong sabihin sa kaniya kanina ang kasalanan niya lang ay hindi niya ito pinansin at pinakinggan. “Kuya...” Lumayo ng bahagya sa kaniya si Anton at may dinukot ito sa bulsa.
“Punasan mo nga ang sipon mo, ang tanda-tanda mo na uhugin ka pa rin!” Iniabot nito sa kaniya ang isang mamahaling panyo. Nguso siya bago tinanggap ang panyo nito at pinunasan ang kaniyang sipon. Mapang-asar rin pala ang kuya niya.
“Ang arte naman ng Kuya ko!” Tiningnan niya ito. “Pero... Thank you! Thank you kasi ang bait mo sa akin at tinanggap mo kaagad ako... Masaya akong malaman na kuya kita, pinagdarasal ko kaya kay Papa Jesus ng maliit pa ako na sana may Kuya ako katulad ng kaklase ko para kapag may mang-aaway sa akin ipagtanggol ako at p-protektahan...” Ginulo ni Anton ang magulo niyang buhok.
“Hindi kita na bantayan at nagawang ipagtanggol ng bata ka pa pero ngayon...” Hinawakan niya nito sa magkabilaang balikat. “Hindi hahayaan ni Kuya na may manakit at mang-api sa princessa niya. Pangako, I am always in your back from now on, my baby girl.”
Nag-uumapaw sa saya ang puso ni Carry ng maramdaman ang pagmamahal ng kapatid. Sa maikling oras na nalaman nila ang totoo ay damang-dama niya ang tunay na pagmamahal nito sa kaniya. Ang sarap sa pakiramdam niya na mayroon siyang kuya na masasandalan at matatakbuhan sa oras ng kagipitan.
BINABASA MO ANG
Marriage To Mr CEO [COMPLETED]
Romance‼️‼️ WARNING‼️‼️ 🔞THIS IS MATURE CONTENT.🔞 🧐READ AT YOUR OWN RISK.🧐